Parang kelan lang 1984 pa lang. May isang batang iniluwal sa mundo ganap na ika-lima ng umaga kasabay ng ‘pag tilaok ng manok at ‘pag sikat ng araw (ako ‘yun). Pause, fast forward, stop, play, heto at natapos na ang 2009. Pakiramdam ko dumaan lang si 2009 sa harap ko, nakangiting mukang nambubuska, nakapakyu na tila sinasabi, ulul, ang panget ng 2009 mo! Malungkot! Walang buhay! Kaya napaisip ako, panget at malungkot ba ang 2009 ko kumpara sa 2008 ko?——Gamit ang excel file ay nabuo ang isang comparative analysis sa pagitan ng dalawang nag daang taon.
Base sa aritmetik na pinaggagawa ng eksel, mas ayos daw ang 2008 ko. Mahirap talagang balansehin ang buhay. ‘Pag may lablayp ka, tambay ka. ‘Pag naman ayos trabaho mo at masaya naman lablayp mo, wala ka namang oras para sa mga kaibigan mo. Kung maganda trabaho mo, lagi mo nakikita mga kaibigan mo tapos may lablayp ka pa, malamang, hindi naman maayos ang pamilya mo. Kung makikita n’yo wala akong masyadong buhay ngayong 2009. Marahil ay kaya kong sabihin na higit singkwenta porsyento ng oras ka sa nagdaang 2009 ay nailaan ko sa opisina. Naubos sa pagtratrabaho. Ilang bertday ang hindi ko napuntahan. Ilang pagtitipon ang hindi ko nadaluhan at ilang mga pagkikita din ang hindi ko nasiputan. Mabuti na lang at bago matapos ang taon ay medyo nagkabuhay ako. Nakadalo ako ng kaarawan, nakasalo ako sa ilang pagtitipon at ang pinakahuli, nakasama ko ang ilan sa mga paborito kong tao sa intarnets. Si Sam, si Mariano, si Doc Mnel, si Mia Pisnge at si Eksji. Andun nga din pala si Igno, Gugol at Damdam, sayang lang at wala ‘yung mga hinahanap ko pang iba. Si Vera, Kevin, Manding at EfBee. ‘Eto nga pala sa baba ang fektyur namin ni Eksji galing sa peysbuk ni Mia.
Ano itong post ko? Wala bang kwenta kamo? ‘Eh ganun talaga. Masabi lang na nakapag update ako. Hehe!
P.S.
Ginagamit ko na nga pala yung Tumblr account ko at dahil nainggit ako sa kanila, gumawa na din akong ng formspring account.








