Minsan ko’ng tinangkang sakupin ang blogosperyo. Minsan ko’ng sinubukang lipunin ang mga mambabasa, amu-amuhin, aluk-alukin at pag-umpukin  sa isang sulok nitong mumunting tahanan ko. Gamit ang aking kakaunting literatura bilang sandata, hindi naitatagong talas ng dila na nagsilbing panangga lang, mumunting kaalaman at hindi naman gaanong abot-langit na alindog at kagwapuhan ay pinasok ko ang mundong ito……………….

Ang mundo ng kawalan blogosperyo.

Una kong pagtatangka ay nuong itinaguyod ko ang bobongpinoy.com tang-angpinoy.shit na hindi na matatagpuan [dito]. Tsk, sinabi na ngang hindi na matatagpuan, pinindot pa!!!! Oo na oo na, wala ng kahihiyan.Manggagaya at walang maisip na orihinal na konsepto. Pero tapos na, nangyari na, nakalipas na, kaya hayaan mo na! Ikalawang pagtatangka ko ang pook sa sapot na [ito]. Saktuhan lang ang banatan at bagsakan. Tama lang sa panlasa ng tao. Alam mo ba yung kapeng hindi matamis, hindi mapait at hindi din naman matabang? Oo ‘yun! Parang ganu’n nga. O ikaw, oo ikaw na nakapulang babae na nakatanghod diyan sa harapan ng blog ko, hindi mo alam’yung timplang sinasabi ko? Pwes, alam mo ‘yung sopdrinks? ‘Yung mabibili sa halagang anim na piso? Tanga hindi red horse, sinabing anim na piso lang eh. Basta yung sakto, ayun, ganun ang entrada at hiritan du’n sa pangalawang tahanan ko. Sandali lang din yun, hindi din nagtagal at sa kawalang kwentang palad ay nagpaalam din ako at matapos ang kabanatang ‘yon ay napadpad ako dito sa walangkwentang datkom.

Maraming naging kritiko ang walangkwentang datkom, ahmm, mga tatlo. Tanong ng isa, bakit daw may NG sa dulo? Bakit hindi na lang daw walangkwenta.com? Sinagot ko yan dito sa lathala kong [ito]. May isang nagsabi na bakit daw ba ganito ako magsulat? Sino daw ba ako at san daw ba ako nagmula? Ipinaliwanag ko naman yan [dito], hindi pala diyan, [ito] pala ang pindutin mo. Teka, ano bang tinutumbok ko dito? Wala naman, kagaya lang din ng sabi-sabi ng nakararami. Lahat ng pagsisimula ay may pagtatapos. Sa kwento ko, nagtangka ako. At kagaya ng kapalaran ng nakararaming sumubok, heto, BIGO!

Kaagapay ng aking buhay at paglalakbay sa blogosperyo ay ang pag gamit ko sa mga kasangkapang intarnets na alay ng teknolohiya. Ang kaibiganan o mas kilala sa alyas na friendster : ), ang aking espasyo na kilala din sa  bansag na MySpace, ang mukang libro na sikat sa ngalang facebuko facebook, ang nagpaparami (multiply), ang larawang nagtatanong (photobucket), ang baso (tumblr), ang pitik (flickr), ang talsik (plurk), at marami pang iba. Sa dami ng nabanggit ko ay marahil na hindi ninyo ako paniwalaan ‘pag sinabi ko’ng wala d’yan ang mansanas ng aking mga mata. Wala talaga diyan sa kadahilanang, nailimbag ko na ito kaakibat ng pamagat ng lathalang ito. Ayan o, sa taas! Oo, twitter, mula noon at magpasa-hanggang ngayon ay masasabi ko pa din na ito pa rin ang paborito ko. At bilang pagbabalik tanaw ay heto at ipapamahagi ko sa inyo ang ilan sa mga naunang tweets ko:

hoooorah! may twitter na rin ako, hahaha! =)   4:50 PM May 24th, 2008 from web

adios patria ahmmm, bye na lang para mas madali, bwahahahaha.    5:04 PM Jul 29th, 2008 from Echofon

dear twitter. how is you? are you payn? me is not. OK!   10:20 AM Aug 7th, 2008 from Echofon

hindi ka kaibigan. plastik ka lang na nagpapanggap na tao. kaaway ka na nagdamit kakampi, demonyo ka na nag-anyong anghel. HINDI KA KAIBIGAN    12:06 PM Aug 11th, 2008 from Echofon

i’ve done my part. halos inumin ko na yung mataas na sarili kong ihi panulak ng nilunok kong malutong na pride. it feels good to say sorry.   4:20 PM Sep 29th, 2008 from Echofon

grade 1 pa lang ako, bahain na ang espanya, 23 na ako, 17 taon ang lumipas, 4 na presidente ang nagdaan at wala pa rin pinagbago.   6:06 PM Jun 19th, 2008 from phtwitters

though we haven’t hit the ground, it doesn’t mean that we are not falling! ouch! – magandang hapon! =)   4:11 PM May 27th, 2008 from Echofon

dear twitter, wala lang. ako to, si PEDRO!  4 minutes ago from Echofon

4:48 am dear tulog, wer na u? kanina ko pa hinihintay dalaw mo.   4 minutes ago from Echofon

nuod ako ng dyesebel, parang kamuka ko si fredo. si fredo jarencio. ang korni. argh!.  9:30 PM Jun 12th, 2008 from phtwitters

DABOY bakit mo ko iniwan- DAGIRL   9:24 PM Jun 12th, 2008 from phtwitters

hindi porke manhid ka eh wala ka ng kakayahan para makapanakit. isipin mo man lang sana na hindi lahat ng tao ay kasing manhid mo.    11:54 PM Jun 11th, 2008 from phtwitters

kung akala mo nalulungkot ako ng dahil sayo, kung sa tingin mo nasaktan ako, kung may hinala ka na nagdudusa ako, pwes, tama ang hinala mo!   11:31 PM Jun 11th, 2008 from phtwitters

Habang binbaybay ng aking mga mata ang ilan sa mga naisulat kong ‘yan ay hindi lubos mawari ng aking imahinasyon na matanto ang isang katanungang bigla-biglang namuo sa aking isipan. Isang katanungang bumasag sa ulirat ng aking katahimikan. Ako ba talaga ang may gawa ng mga ‘yan? Kung oo, ay bakit at sa mga anong kadahilanan? Wala lang, ‘yun lang at naisip ko lang. Marahil ay isa itong hudyat na nagsasabi kung gaano ko pinanabikan ang muling makapaglathala at muli kayong makasalamuha. Kahit hindi sa totoong buhay. Kahit dito lang. Masaya na ako. At bawat isang komento ng kahit sino mang nagbasa sa inyo ay naTITIyak kong kukurot sa aking puso. Ngayon, bukas, sa isang araw, sa isa pang araw ‘pag tapos nu’n at magpakailanman.

Theme Created by: Pedro • Powered by: Wordpress • Hosted by: Boy and Kris

© Copyright 2008