
Walong buwan na ang walang kwentang datkom. Walong buwan ng nagsusulat, walong buwan ng nagbubukas sara ng blog. Walong buwan ng naghahasik ng mga walang kwentang bagay. Walong buwan na kayong pinapaasa at pinaghihintay sa wala.
Huminto. Nagsulat. Umalis. Nagbalik. Nagsara. Nagbukas.
Ngunit hindi pa din tuluyang nagbubukas sapagkat wala pa sa totoong kaganapan ang tuluyang pagbabalik sa kadahilanang wala pa namang bagong naisusulat.
Ang totoo, nagbukas lang ako uli para masabi lang na nagbalik na ako. Pero naisip ko na parang niloloko ko lang sarili ko. Biglang sumagi sa hinagap ko na para tuluyang makabalik ay kelangan ko ding tuluyang magsulat at maglathala. Kelangan kong mag BLOG uli. Hindi yung magbubukas para magpapatweetums lang. Hindi yung parang si Hatton na aakyat ng ring tapos matutulog lang pala. Hindi yung parang babae na papakitaan ka ng cleavage pero ang intensiyon ay hindi magpatikim sa’yo kundi para bitinin ka lang. Kung ako ang tatanungin ninyo, ayoko ding maka-amoy ng masarap na lutong bahay ng kapit-bahay na hindi naman ako bibigyan o aalukin man lang. ‘Yan ang dahilan kung bakit ayokong maglakad lakad sa mall ng wala akong pera. Dahil ayaw na ayaw kong may makikita akong gamit na gustong gusto ko pero hindi ko naman mabili.
Isang dahilan kung bakit andito ka ngayon ay dahil isa ka sa mga matatalinong tao sa mundo. Bakit? Dahil natunton mo ako, nahanap mo angĀ pahina ko at andito ka ngayon. Anong koneksiyon, hindi ko na kelangan pang ipaliwanag ng husto ang mga pinagsasabi ko sa itaas dahil sigurado akong naintindihan mo. At sa pagkakataon naman na hindi ay ikanalulungkot kong sabihin na nagkamali ka ng link na napuntahan. Hindi po ito ang manyak o pantasya datkom. Bawal po ang bobo o tanga dito. Sorry, no idiot allowed.
Pipilitin kong hainan kayo ng kung anong laman ng kusina ko. Susubukan kong patikimin kayo ng mga luto ko. Ngunit kung sa kawalan ko ng oras ay hindi talaga ako makapagluto, andiyan sa gilid ng pahina ko ang mga sikat na karinderya sa mundo ng blogosperyo. Isang pindot n’yo lang at siguradong mabubusog kayo sa mga lathala nilang hindi matatawaran.
Sa mga nagbabasa dito sa walang kwentang datkom, diyan lang you, dito lang me, let’s hold hands like one family! Happy monthsary sa inyo! Ah you know, you know, i mean thanks god! Mabuhay si manny!
At oo, bakla po ako! Paalam!
6 Comments »
Trackback responses to this post





welkam bak bitch hahahaha!
o hai ders! how is u? aym payn tenkyu!
welkam bak 2 me 2!!
welcome back bossing…
I know you love blogging…you just dont know it..
-XOXO
Gossip gurl lol
nyay! anong bossing? kayo nga mga bossing ng blogosperyo eh.
pero oo tama ka.
mahirap talagang talikuran ang mundo ng blog.
SALAMAT!
MUAH!
WELKAM BAK!!!!1111oneone
malamang sa sudunod na post ko welkam back nanaman ang mga comment kasi malamang matagal nanaman ako mawawala. hahaha!