Galing ako sa isang kasiyahan nuong nakaraang sabado ng gabi. (ika-17 ng enero ng taong kasulukuyan) Isang libreng kainan at inuman (oo libre kaya kung wala ka dun ay mamatay ka na lang sa inggit) handog ng isang kaibigang si damdam na nagdaos ng kaarawan apat na araw bago ang gabi ng nasabing pagtitipon tipon.

Malamig ang gabi. At dahil dakilang mapagmasid ako ay hindi ko nanaman naiwasang mapansin ang mga bagay na hindi naman na talaga dapat pang pinapansin. Ako lang ba o kapansin-pansin lang talaga sila? Nasagot ko ‘yang katanungang ‘yan nung gabi ding ‘yon. Dahil kasama ko ang hindi lang isa kundi ang ilan sa mga abnormal na blogista ng henerasyong ito.  At ang kasagutan ay kapansin pansin talaga ang mga napansin ko!—-Kelangan ko pa bang banggitin isa isa ang mga sumang-ayon sa aking blogista? Hindi na din siguro dahil sa dalawang kadahilanan. Una dahil masyado naman na silang sikat at pangalawa ay wala akong pahintulot galing sa kanila na babanggitin ko sila dito sa mumunting pook sa sapot na ito.

Mabalik tayo sa usapan. Malamig ang simoy ng hangin at bilang isang taong nakainom ng ilang botelya ng alak ay nakukuha ko pa rin manginig kahit kaunti. Ako na anak mahirap at laki sa kalye na puro kalyo ang balat at sanay sa hirap ng buhay. Nagtataka lang ako kung bakit ako nilalamig samantalang ang karamihan sa mga babaeng nakakasalubong namin ay hindi man lang ata giniginaw. Mga muka namang anak mayaman na maninipis ang balat at mabango ang simoy kapag sila ay nakakasalubong na halatang hindi pa nakakainom. Anong punto? Bakit hindi sila nalalamigan? Bakit nakukuha pa din nilang mag pukeshorts micro mini shorts? Fashion? O paraan lang nila ‘yon ng pagsasabi sa madla ng “sanay ako sa aircon, mayaman kasi ako!”?

Fashion ba ‘yan? So fashion na din ang mag-eskimo jaket kapag summer? Fashion na din ang mag maong jeans sa beach? Fashion na din ang mag shades sa gabi? Siguro nga OA lang din ako. Isa ako sa mga daan daan o libo libong OA na makatikim lang ng konting lamig eh naka-kuntodo jacket na  agad with matching hood pa! Pero sige, tignan n’yo muna yung mga naka-puke shorts na ‘yan at timbangin n’yo kung sino ang mas OA sa amin. Kami pa rin? OK!

Ang isa pang pinagtataka ko, hindi naman pala sila giniginaw kasi nga sanay nga sila sa aircon dahil “anak mayaman” nga sila. Pwes bakit sila naka-scarf? ‘Yung leeg nilalamig tapos ‘yung pekpek hindi? Putang inang ‘yan! Anong dahilan? Dahil walang bulbol ang leeg? Kalokohan! Sigurado ka bang hindi shaved ‘yang mga ‘yan? Oo na sige na, panalo ka na!

Ang isa pang kinaaasar ko. Magsusuot sila ng ganun kaiksi tapos ibaba nila ng ibaba kasi nakikita na ‘yung kir-rit ng pwet o singit nila. Walang pinagkaiba sa mga babaeng nagsusuot ng damit na kita cleavage tapos tinatakpan naman ng panyo. Bullshit! Tapos ‘pag matitignan ng lalake eh maiilang o ‘pag sinama pa, mamumura pa kami o masasampal. Ayaw pala nilang mabosohan edi magsuot sila ng mga damit na hindi kinapos sa tela. Tinignan lang magmumura at mananapal na, buti sana naman kung hinawakan eh hindi naman! Malay ba naman nila kung ‘yung tatak lang sa zipper o ‘di naman kaya ay design ng bra ang sinisipat namin? Masyadong mga judgemental at marumi ang isip. Bigla bigla na lang mananampal! Kaasar! Hmmmmp!

P.S. (Pahabol Salahat)

Maraming salamat nga pala kay damdam at sa lahat ng mga nakasama ko nung gabi ng sabado. Salamat sa isang napakasayang gabi hanggang umaga sa inyong lahat! Hanggang sa muli! Belated Happy Birthday uli dam! :D

P.P.S. (Pahabol Pa Salahat)

May naganap pang usapang titi kila Mariano nu’n kaso sa susunod ko na lang ikwekwento! Abangan n’yo na lang. Sa mga mahihilig sa titi d’yan. Lalake, babae o hindi sigurado. Watch out! Parating na ang TITI CHRONICLES!

RSS feed | Trackback URI

10 Comments »

2009-01-20 03:28:19

ay sos! init ng ulo ang naidulot pala ng pa-bertdey ko! pfft..

biro lang.. salamat sa pag punta.. hamo, sa susunod na birth ko, sa beer house tayo lahat magsipunta. kung saan laging summer at belt lang ang suot.. tignan natin kung makapag entry ka pa ng ganito after. ahahaha!

maraming salamat sa pagdalo!

Pedro
2009-01-20 03:58:36

kaya ko pa din i-blog ‘yun. kung mga puke lang na humihithit ng sigarilyo pwes walang malisya sa akin ‘yan! hahahaha.

ano ba dam?!! wholesome ‘tong blog ko. ‘wag mong bahidan ng kalaswaan. (LOL)

belated apiburtdey uli! neksyir uli ha. HAHAHAHAHA!

 
 
2009-01-20 03:30:46

ahahaha. titi chronicles.

bakit nagsa-scarf eh mainit sa pilipinas? yang mga ganyan naman, hindi talaga yan laking aircon. ambisyosa lang. ahahaha. ang init-init magsa-scarf… siguro nga kasi may pubes sila sa leeg kaya kelangan takpan ng scarf. ahahah.

dapat sa mga mahilig mag-booty shorts, sinu-sundot ng stick ng barbecue yung ano eh. para umayos.

na-miss ako ng comments box mo Brando.

mwaghugsz.

Connie.

Pedro
2009-01-20 04:20:07

well, hindi lang comment box na ito ang nakamiss sa’yo kundi ako na din mismo! welkam back dito sa comment box ng blog ko! sana ay lagi na din akong sipagin mag-blog para mapadalas ka na uli dito. :D

in fairness naman sa mga nag-i-scarf ngayon dito sa pinas eh malamig naman kasi talaga dito ngayon, pero hindi naman sobrang lamig to the point na nag-i-snow na, hehehehe. normally kasi inaabot ng 36 degrees celsius ang manila pero ngayon naexperience namin ang 13.5 degress at sa baguio naman eh nasubukan nila ang 7.2 degress. malamig na din compared sa 36 di ba?

malamig na, pero nakapuke shorts pa sila ng get-up. hindi mo alam kung mga fashionaista o papansin lang. ahmm, baka may pro puke shorts at sobrang hilig talagang magsuot ng ganun na mapadpad dito. ipagtanggol mo ko lavinia ha. HAHAHAHA!

 
 
2009-01-20 08:01:33

Ako mahilig ako magsuot nang pepe shorts.

pepe shorts ha. kasi wholesome ako. ahihihi!.

pero hindi ko naman isusuot yun pag malamig ang panahon e.

TITI CHRONICLES? hmm.. interesting. hehehe!

Pedro
2009-01-21 07:20:04

ikaw? wholesome?!?!!!!!

ok. bai! wahahahahahahha!

 
 
2009-01-20 15:07:03

buti na lang hindi mo na binanggit ang mga blagers na involved *ubo*

P.S. wag na wag tayong magjujuts na magkakasama. ayoko nang imaginin ang mangyayari.

Pedro
2009-01-21 07:20:21

TARA ISAW! HAHAHAHAHAHAHA!

 
 
2009-01-20 18:19:22

Pedro nainggit ka lang ata sa ganung pananamit eh.. try mo kaya! mukhang bagay naman syo eh haha joke lng!!

Pedro
2009-01-21 07:21:30

sinubukan ko na ate. ako mismo ay nasuka sa sarili kong itsura. plunging neckline bagay ko pa pero puke shorts hindi talaga. *sigh*

ang laki kasi ng pata ko, yaan mo at mag-gygym ako para makapag ganyan na din! :D

 
 

Leave a Comment

Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.

Trackback responses to this post

Theme Created by: Pedro • Powered by: Wordpress • Hosted by: Boy and Kris

© Copyright 2008