Napansin ko lang….
May mga ilaw sa mga bar. Pero kahit gabi at madilim na eh hindi pa din nila ito binubuksan. Hihiram ka ng menu tapos halos hindi mo mabasa ang mga letra. Magsisindi sila ng lighter tapos iduduldol sa muka mo na halos masunog na ang balat sa pisngi mo makita mo lang kung anong tawag dun sa kakainin mo. Tututukan nila ng flash light yung menu na bumabalandra yung sinag sa mga mata mo na halos masilaw ka mabasa mo lang kung gaano kamahal ‘yung oorderin mo. Ang laki laki ng binabayad mo sa kanilang serbisyo tapos ilaw lang wala pa. “Eh kung buksan mo kaya ‘yung ilaw para hindi ka flash light ng flash light dyang putang ina ka!” May punto naman ‘di ba? Wala? Ok!
Hindi ko nga pala alam kung bakit ganito ang titulo ng post na ito. Marahil ay nakikiuso lang ako sa kung ano ang usap usapan ngayon. Patok na patok kasi ang pelikula na ito. Ewan ko pero ako man ay nakisabay sa agos ng kung ano ang swak na swak sa panlasa ng karamihan. Hindi ko pa nababasa ang libro pero masasabi kong ang pelikula ay hindi ko gusto. Kung hayskul pa lang siguro ako pwede pa pero ngayong ganito na ang edad ko, hindi talaga. May narinig pa nga akong nag aaway ng dahil lang sa pelikulang ito. Ang chi-cheap. Bakit ba kasi ganyan na lang lagi ‘pag uso? Ang daming nakikisawsaw! Nagpapakaobses at parang mga gago. Parang nung minsang pumutok ang kantang s2pd lab ng salabakuta. May nagsaksakan pa nga ‘di ba? Well anyway, magkakaroon daw ng tagalized version nito. Si iwa motto daw ang bida at ang titulo ay kinang. At hindi ‘yon nakakatawa alam ko.
P.S. (Pahabol Salahat)
Hindi ko na papanuorin ang part 2. Pramis!
10 Comments »
Trackback responses to this post





Weh! Hindi nga? Kinang? Iwa Moto? WTF? Baka naman bold movie ‘to. *LOLz*
iwa moto, hmm nakaka curuios kung ano kakalabasan ng movie na iyon ah.. talaga di mo na panoorin? for sure curuios KA!! ayieee!! ^^ SMILE ALWAYS!
Masyadong overrated ang Twilight mapa-pelikula man o mapa-libro. Lahat ng mga babae ay napakilig ni Edward, kaya hayan, pinagkakaguluhan ng mga babae. Kung hindi siguro handsome-slash-vampire si Edward, nabulok na sa mga bookshelves ang libro ni Meyer.
Nako, kung pagkakaguluhan man ng mga tao ang pelikulang yan ni Iwa Motto, hindi na ako magtataka. LOL. FTW!
Nakuh pedro kung alam ko lang kung gaano ka ka-affected sa bawat eksena na nakita mo. Ako, aaminin ko na maganda ang flow ng movie at talagang nakuha nila ang panlasa ng tao. Ang maganda rin kasi sa twilight ay binuhay nila ang kwento ng vampire/human relationship. Sayang nga lang dahil ako dapat ang gaganap na Edward kaya lang nahuli ako sa audition. tsktsktsk
ako hindi ko pa nababasa ang book at hindi ko pa rin napapanood ang movie.
nagtataka rin ako kung bakit ba sikat na sikat ang Twilight at napakaraming naaadik dito.
nakausap ko ung bestfriend kong adik kay Edward at sabi nya parang si Edward daw ang lalakeng kasagutan sa pangarap naming mga babae in the sense of love siguro…
hindi ko pa alam kung maaadik ako kay Edward pero balak ko na ring basahin ang book. =)
wala akong alam sa twilight.kaya no comment ako.wehehe…meri krismas.
heto namaaaaaaaaan… relaks lan brader!!!
hmmm, enjoy naman ako sa labstory… pero dun lan…
at sa local version….kamon! kahit ako hahaybladin kahit pa anemic ako.
flyfly!
tagalog na twilight ang weird cheap tlga
ang panget ngkalalabasan abah…
panget n nga yung movie
bababuyin pa lalo hehe..
ganyan tlga sa ibang resto madalim nyahah
ewan ko rin kung bakit?
hindi aq naniniwala na gagawa ng d ikagaganda ng abs-cbn kc may tiwala ako sa kanila.alam q sinisiraan lang cla..marami ksing mapanirang tao nganong..
cge..yon lng poh..
waaaaaa !!! ambott
DDD