Siyam na oras sa isang araw. Limang oras sa isang linggo. At apat na linggo sa isang buwan. Iyan ang normal na panahon ng pagpasok sa trabaho. Pero sa estado ko ngayon, halos ilang oras na lang bawat araw ang tulog ko. Halos isang araw na lang kada isang linggo ang pahinga ko. Halos masayang na lang ang pahinga ko sa tulog. ‘Yung tipong pag-uwi mo galing trabaho, bagsak agad ang katawan mo sa kama tapos pag mulat ng mata mo, ilang oras na lang papasok ka nanaman. Hindi ko alam ang wastong depenisyon ng salitang pagod hanggang napadpad ako sa trabaho ko ngayon.
Ano bang dahilan kung bakit sinasabi ko ito ngayon? Wala naman, gusto ko lang isa-ere ang aking mga reklamo at hinaing. Dalawang magkasunod na linggo na kasi kaming pumapasok ng pati sabado. Weekend O.T kung tawagin. Ayos lang sana. Wala namang problema. Ang putang inang bad trip lang ay ito. Papasok ako ng biyernes ng eksakto alas nuebe ng gabi. Simula ng shift ko na dapat ay hanggang alas sais lang ng umaga. Tapos bandang alas kwatro, iha-huddle ang bawat team at sasabihin may O.T na hanggang alas onse o alas dose ng tanghali. O sige ayos lang. Aawitin ko lang ang musika. Makikisayaw lang ako sa tugtog. At sasabay lang ako sa agos ng tubig sa ilog. Trabaho lang ng maayos at ‘wag magreklamo. ‘Yan ang ginagawa ko kasi plus pogi points ‘yan sa mga boss. ‘Pag tapos ng pag-aanunsiyo dapat may kasamang bakas ng ngiti ang iyong mga labi bago ka tumalikod para isipin ng mga abusadong mababait na boss mo na masaya ka at laban ka sa lahat ng hamon. Ngiti pa rin kahit bad trip na. Ngiti pa rin kahit ngiting orocan na.
Trabaho lang ng trabaho. Alas onse na, malapit ng mag alas dose. Malapit ng mag-uwian at sa wakas, makakatulog na din. “Guys gather up, huddle lang tayo sandali.” Mga gasgas na linyang maririnig mo sa mga supervisor. At ilang saglit matapos mong marinig ‘yan ay ang isang balita na magpapakunot ng nuo mo. Ang pag-aanunsiyo na may weekend O.T. Ibig sabihin, uuwi ka ng alas dose tapos akala mo makakapag-pahinga ka ng mahaba haba dahil weekend pero hindi pala dahil papasok ka pa din ng alas nuebe ng gabi ng sabado hanggang alas sais ng umaga ng linggo. Mandatory at wala kang magagawa. Putang inang shet!—’Eto na ngayon ang sistema. Papasok ka. Magtratrabaho at maghihintay na matapos ang shift para makauwi na. Buong akala mo makakauwi ka na hanggang sa dumating ‘yung puntong malalaman mong may O.T. pang naghihintay matapos ang weekend O.T. na hindi mo pa nga natatapos. Isang O.T. nanaman pagkatapos ng O.T., wala akong ibang masabi maliban sa isa nanamang PUTANG INA!!!!
Ano ba ‘tong sinasabi ko? Papaiksiin ko at susumahin para mas maintindihan mo ang hinaing ko. Biyernes ng gabi gumising ako. Alas sais eksakto. Naligo kumain at pumasok sa trabaho. Eksakto alas nuebe ng dumating ako. Nagtrabaho ng hanggang alas sais ng umaga. Nag ober taym ng hanggang alas dose. Umuwi. Dumating sa bahay ng ala una ng hapon ng sabado. Kumain, nagpahinga ng konti at natulog ng eksaktong alas tres. Gising uli. [ulitin ang pangungusap na nakahubad (naka-bold) at kulay berde] alas dos ng hapon ng linggo. Umuwi, hindi na kumain at mas ginusto pang matulog. At heto ngayon at lunes na. Alas singko ng madaling araw at kakagising ko lang. Kakain lang mamaya at matutulog tapos gigising uli ng alas sais at papasok at darating sa opisina ng alas eksaktong alas nuebe.
P.S.(Pahabol Salahat)
Alam mo ba kung anong kasunod?
Oo tama ka. Ober taym nanaman! Putang ina talaga!
P.P.S.(Pahabol Pa Salahat)
Kakadating-dating lang ng isang text mula sa supervisor ko. May pre-shift O.T. daw mamaya. Alas siyete daw imbes na alas nuebe ang pasok. Ano ang nireply ko?
Sure boss. No problem. I’ll be there before 7. = )
8 Comments »
Trackback responses to this post





isa pa, isa pa, isa pang obertaym. isa pa at bibinggo na sila! Hanap ka na lang ng ibang trabaho
wag masyado karerin ang pagpapayaman.
di pa naman tinatanggal sa diksyunaryo ang salitang PAHINGA
hinay hinay lang..
baka mabigyan ka na nyan ng ULIRANG EMPLOYEE AWARD,:-P
At least me bayad ang overtime niyo.
Be there before 7 daw… Haynako. Sarap sarap ng tulog mo ever. Sarap kainin. Roar.
Napakasipag mo naman pala pedro. Pano mo pa mamanage yung time mu sa ganyan ka hectic na skedule. Not to mention pa na may oras ka ding nilalaan for ur own interest (like surfing, blogging, lodging <–opps kasali ba ito?). Kelangan mo ng energo pedro at enervon para mas happy kahit hindi na nakakatuwa.
..anak ng putang ina talaga!!.. hahaha..
..hanep sa OT ang putek?!..
..pero in fairyness kuya ah?.. ankyut nang weply mo kay boss.. hmf..^^
yayaman ka nyan. isipin mo nalang ang early retirement.
)
pedro pakihulog nalang ung aginaldo ko sa bank account ko. tenks.
ahaha. . .panalo pala e. same trabaho ba yan nun dati..nagpalit lan ng shift, ganun?