Kapag masyado kang nagbibigay ng pagpapahalaga sa isang bagay, mas malaki ang posibilidad na mas madismaya ka. Kaya dumarating minsan sa punto ng buhay ng isang tao na nagiging manhid na at ayaw ng magbigay ng kahit kaunting pagpapahalaga.
Nagiging masama ang ilang tao lalo na sa kung sino pa ang mahal nila. Sabihin na lang natin na may tao kang pinag-aalayan ng iyong pagpapahalaga pero pareho kayong nasa estado ng magulong mundo at magulong pangyayari na nagbibigay sa inyo ng magulong pag-iisip sa kasalukuyan. Sa sobrang kumplikado ng mga bagay ay hindi ninyo minsan maiiwasan na mailabas ang inyong galit sa isa’t isa. Minsan siya lang. Minsan kayong dalawa. At minsan naman ay ikaw lang. Hindi ‘yun masaya pero gan’un talaga ang tao at ganun talaga ang reyalidad ng buhay.
Nagawa mo ang isang bagay na hindi karapat-dapat pero hindi nangangahulugan na ikaw na ang pinakamasamang tao sa buong mundo. Isa lang ang ibig sabihin nu’n. Tao ka lang na nakagawa ng pagkakamali. Ngayon eh kung may perpekto man sa kahit na sinong mapapad dito ay isa lang ang masasabi ko. HINDI KA TAO!
People are terrible to the people they love sometimes. They’re mean. You were both going through a really hard time, and you took it out on one another. It isn’t fun, but it’s what people do. That doesn’t make you the worst human being in the world. It just makes you a person who made a mistake. Plain and simple!
P.S. (Pahabol Salahat)
Nabasa ko lang ‘yan sa likod ng isang pampasaherong bus na walang air-con. May kasunod pa nga ‘yang wanted textm8. Inaantok lang ako tapos napansin ko pa na smart ‘yung number kaya hindi ko na kinuha.




