Kung puke lang sana ang isang trabaho na malaki ang kita eh matagal ko na sana itong pinasok. Pero ‘pag bali-baliktarin man natin ang buong pilipinas ay dalawang klase lang talaga ang makikita nating trabahong ganito. Una ay ang ilegal gaya ng jueteng, smuggling, drugs at iba pa. At pangalawa ay ang legal-kunwari-pero-kung-tutuusin-ay-ilegal-din na trabaho gaya ng pagiging isang pulitiko. Isa lang ang pagkakapareho ng dalawang uri ng trabaho na ‘yan. Pareho ‘yang nangangailangan ng abilidad. Abilidad na kung tawagin ay pagnanakaw. Pagnanakaw sa kaban ng bayan. At pagnanakaw sa karatapatan na mabuhay ng matiwasy ng bawat mamamayan.
Masaya ako sa nalipatan kong kumapanya. Bukod pa dito ay maganda naman ang mga benepisyong makukuha ko. ‘Gaya na lang ng napakalaking halaga ng isang health isurance plan. Isang malaking bagay ‘to para sa isang taong sagana sa bisyo na ‘gaya ko. Unlimited biskwit, mango juice, iced tea, kape at donuts sa pantry. at kung katulad mo ‘kong makapal din ang muka ay mag-uuwi ka pa para naman matikman ng mga kasama mo sa bahay ang mga masasarap na libre na ‘to. Mga libreng training, seminars at workshop para sa mas ikabubuti ng kakayahan mo. 13th month at 14th month pay. Christmas bonus. Fare, food and clothing allowance. Libreng sine, dalawang beses kada buwan. Monthly cash rewards kung ikaw ang top performer, pwera pa ‘yung cash reward ‘pag kabilang ka sa magwawaging pinakamahusay na grupo para sa buwan. May creative writing, photography, sports club at kung anu ano pa. Libre gym para sa mga gusto mag-work out. May mga halaga ka ding makukuha kung mag-aasawa ka, manganganak ka o manganganak ang asawa mo at napakarami pang iba. Masaya at ayos naman na ‘di ba?
Pero may mga pagkakataon talagang may masasabi at masasabi ka pa din. Maiiwasan pero hindi maaalis sa atin ‘yan bilang miyembro ng kapitag-pitagang lupon ng mga manggagawa. At sadyang may mga tao din talaga na pinanganak para lang maging isang dakilang reklamador. Hindi naman sa paglalagay ng perla sa kamay at pagkukuskos ng magkabilang palad sa ilalim ng lumuluhang gripo pero taas noo, kaya kong sabihin ng parang naka-megaphone sa lakas na hindi ako reklamador. Simpleng tao lang ako na matalino at alam kung kelan dapat ipaglaban ang prinsipyo at karapatan ko. Kung sa tingin niyo ay reklamador ng maituturing ‘yun, pwes, malaya kang tawagin akong reklamador dahil anu’t-anu pa man ang mangyari, kahit tutukan mo pa ako ng kahit anong nakamamatay na sandata sa aking tagiliran ay hindi ko pa rin mababago ang ganyan kong istilo. MAKIBAKA! ‘WAG MATAKOT!
Ano bang saysay ng sinusulat kong ‘to ngayon? Wala naman. Gusto ko lang ilabas ang aking hinaing sa isang malaking katarantaduhan na maaring mangyari sa akin mamaya sa trabaho. Malilipat ata ako sa ibang grupo. Grupo na hindi ko alam kung magugustuhan ko ba ang mga magiging kasamahan ko. Grupo na ang bisor ay unang tingin pa lang ay alam ko na agad na hindi ko makakasundo. Grupo na alam kong kahit minsan ay hindi ko magagawang magsaya.—Sabi nila, ganu’n daw talaga. Embrace and welcome changes. Isipin na lang daw na oportunidad ito. Kaya ako naman, oo lang ng oo. Bakit? Kasi tauhan lang ako. Isang piyesa sa chessboard na minamanipula ng kung sino man ang naglalaro nito. Ang problema kasi sa mga boss na masyadong magagaling, tira lang sila ng tira. Pakain lang ng pakain ng pawn. Hindi man lang pinapakinggan kung ano ‘yung mga hinaing ng mga tau-tauhan nila.
Isa lang naman ang masasabi ko at nais na iparating sa pamunuan. Alam ko sa sarili ko na magaling ako. At alam ko na alam din nila ‘yan dahil sa maiksing panahon na magkakasama kami ay ipinamalas ko na agad sa pagmumuka nila ang lahat ng talento ko sa paraang alam ko. Kung gusto nila akong maging mas produktibo, pwes ‘wag nila ako ilagay sa sitwasyon na alam nilang masisira ang diskarte ko at hindi ko magagampanan ng maayos ang tungkulin ko bilang alila nila. Nasa kanila na ang dedikasyon, sipag at tiyaga ko dahil saan man ako mapunta ay kusang loob ko talagang ibinibigay ‘yun. Pero dalawang bagay lang naman ang nais ko. Una ay maayos na komunikasyon. Komunikasyon na hindi lang sila ang papakinggan namin kundi dapat ay ipasok din nila sa kanilang mga tenga at isalaksak nila sa kanilang mga kukote ang mga hinaing ko. Hinaing na nakasisiguro naman ako na may punto. Punto na alam kong isang daan at isang porsiyento na ikakaganda naman ng aking pagtratrabaho. Pagtrarabaho ko na natitiyak kong sila din naman ang “mas” na makikinabang. At pangalawa ay ang respeto. Respeto na hindi sapilitang makukuha. Pagtrabahuhan muna nila ng maayos bago nila makuha ang respeto ko. At kung sasabihin nila na hindi maganda ang attitude ko, pwes uli, ‘eto naman ang sagot ko. Attitude reflects leadearship, boss! Ganu’n kasimple. Tapos!
22 Comments »
Trackback responses to this post





at dahil sa GLOBAL FINANCIAL CRISIS na nararanasan ng buong mundo (GLOBAL NGA EH)sana maisip din ng mga taong may magandang trabaho at maraming benepisyo na maswerte sila at isa sila sa mga nakakatanggap nito. ang mga changes na nararanasan ay parte lang at normal sa Corporate World. Parang sa mundo lang ng Biology yan. Survival of the Fittest. Kung matatagalan mo PANALO KA! Nadomina mo ang mga bagay bagay, pero kung susuko ka? GOSH, YAYA UR SUCH A LOSER!!!!!!
be thankful.
isipin na maraming tao ang nalalayoff sa trabaho ngayon.
disregard this comment kung ikaw (na nagbabasa) eh yung tipong hindi kailangan nang trabaho at ipinanganak na may subong GINTONG SANDOK sa bibig
ang punto ko lang naman, sana pakinggan naman kami. pero tama ka, ganun naman talaga. at wala na kaming magagawa dun kung ganun talaga sila. that’s life. parang buhay.
wala namang masamang magreklamo,asa demokratikong bansa tayo, at may kalayaan ipahayag ang anumang saloobin at hinaing meron tayo,at wala rin masama ipaglaban ang kung anong alam mong tama lalo kung wala kang ginagawang mali.
at sa magiging bago mong ka grupo,bakit naman di mo sila bigyan ng chance na ipakita sayo na okay din silang kasama,sabi nga dw, always give a person the benefit of the doubt..khit mukha talaga silang kaduda-duda,hehe!not all first impressions last.
Unlimited biskwit, mango juice, iced tea, kape at donuts sa pantry. ala palang gutom sa kumpanya nio,at pwede pa pala ang take home,hehe!
sa totoo lang, wala talagang gutom samin. buhay na buhay kami sa dami ng fuds. kaya hindi na ako magtataka kung tumaba ako hahahaha!
haha. natawa ako sa first sentence mo. hehe.
ahmmm. ako di naman natawa. natural na kasi yan sakin. pero buti naman at natawa ka. salamat kung ganun.
Wow donuts! hehehe.
Anyway, sabi nga ni Bea Saw:
“Ang respect ini-earn yan, hindi ini-impose”
smile pedro
hindi ako mahilig sa donut. pero dahil sa libre, baka maging paborito ko na siya.
iba ka talaga. natuwa nanaman ako sa sinabi mo. parang kahapon nga lang eh may sinabi ako na ganyang ganyan din. medyo iba nga lang. magulog ba?
sabi ko kasi, hindi kusang binibigay ang tiwala kung hihingin mo ito. dapat itong paghirapan at pagtrabahuhan muna.
so parang pareho din. hehe.
We can’t have it all, Pareng Pedro. Ganyan talaga. Kaya nga nilubus lubos ang mga benepisyo mo ay dahil sa mga ganyang practices and procedures ng ibang kumpanya. Is it not all worth it? Ikaw lang ang makakapagsabi niyan.
sabagay tama ka diyan.
parang sa pisikal lang na aspeto. gwapo na ko at matalino. kalabisan na masyado kung mayaman pa ko.
HAHAHAHAHA!
wow brando, ang daming libre sa company nyo. hehe!
ahm. sana maging okay ka naman sa bagong grupo at sana maging friends kayo ng boss mo.
apir!
sa totoo lang, medyo bad trip talaga nung una kong nalaman kaya na-iblog ko to. pero ngayon medyo ok na ako. narealize ko na kasi na sa buhay ng tao, marami pang mas grabeng changes ang maeencounter ko. kaya dapat ngayon pa lang eh matutunan ko ng ihandle ang mga ganitong klaseng sitwasyon.
“Attitude reflects leadership.”
true.
AMEN!
hindi talaga mawawala ang mga ganyan.minsan kelangan mo pa ingatan na wag makisagutan sakanila alang-alang sa ikatatagal mo sa trabaho.hay.
pero may mga boss din naman na mababait. bihira nga lang. hehe.
First sentence pa lang, ayos.
Na-engganyo akong magbasa. Kung tutuusin, magaling kang magsulat sa tagalog. Kaya mong humubog ng mga katagang may kakaiba mang kaisipan para sa mga konserbatibo, hindi pa rin nawawala ang nais mong iparating na pumupukaw ng damdamin.
Seryoso ako ah! :d
Anyway, ayos. Hanga ako sa post mong ito, at marahil ikaw bilang manunulat/blogger.
Ano bang kumento ko ulit! Haha. Puro papuri nasabi ko. Maswerte ka dahil maganda ang trabaho mo–maraming benepisyo. Kung tutuusin, sa panahon ngayon, maswerte ka nga talaga.
Wag kang magpapaapekto sa mga nakapaligid sayo. Maaari kang makibagay, pero hindi dapat ito makabago ng lubos sa iyong katauhan. Hindi dapat sila ang magdikta ng kung sino ka.
At hindi dapat maliitin ang pagiging isang “manggagawa” sa isang chessboard. Heh.
alam mo bang kinikilig ang tumbong ko sa tuwing nakakabasa ako ng kumento galing sa’yo?
alam mo bang galos mag-ningning ang aking mga mata sa tuwing nasisilayan ko ang pangalan mo dito sa site ko?
kapag ang isang manlalaro gaya ni michael jordan ay pinuri ang isang baguhang manlalaro ng basketball, ibig sabihin, magaling talaga ang baguhang ito.
anong punto?
ang papuri ay mas nagiging kaaya-ayang pakinggan lalo na’t natamo ito galing sa isang kapitag pitagang tao. isang batikan at respetado.
it’s a lot coming from you. oh WOW. ayrililabmayenglish!
salamat kevin!
mabuhay ka!
Walang anuman.
aym welkam!
ginamit mo pang dahilan ng pagtaba mo ang mga pagkain sa opisina nyo! ahahaha
parang gusto kong magtrabaho dyan. ano bang klaseng donut yan?? gusto ko rin ng donut everyday! hahahah.. pwede bang mag apply dyan! magreresign na ko!! mas gusto ko dyan!! hahahaha
baliw.. tawa ng tawa hahah
anong company? ahmmm, dunkin donuts? hahaha, korni!