Ang hirap ‘pag marami kang iniisip at iniintindi. Ang hirap ‘pag marami kang ginagawa at sa sobrang dami ay nawawalan ka na ng panahon sa mga bagay na nagpapasaya sa’yo. Bagay na ‘gaya na lang ng pagbloblog. Sa sobrang pagpiga ng bago kong trabaho sa utak kong kakapirasao ay nauubos na lahat ng laman nito at halos mawalan na ng kahit kaunting katas na tira para sana sa pag gawa ng blog entry. Nakakamiss ‘yung mga araw na dinadagsa ng ideya ang kukote ko. ‘Yung mga panahon na mas mahirap pa ang magbalat ng butong pakwan kesa sa pag gawa ng blog post. Pero ganito talaga ang buhay. Kelangan alam mo ang prayoridad mo. At sa kaso ko, mas una ang pamilya at trabaho kesa sa libangan. Pati nga oras para sa pagtitikol wala na ako, oras pa kaya para magblog.

Nakakatawa lang isipin na kahit sinasabi kong wala akong oras mag blog ay nagagawa ko pa ring dalawin at basahin ang mga paborito at nakasanayan ko ng bisitahin na mga blog araw araw. Hindi man ako nag-iiwan ng kumento ay alam ko at marahil ay alam niyo din na may mga bakas akong naiwan sa mga inbisibol traker ninyo. Dati rati, ‘pag harap ko pa lang sa monitor ay kusa agad na lumalapat at pumipilantik ang mga dailiri ko sa mga letrang nakalimbag sa tipahan ng mga daliri. Pero hindi ganu’n ang eksena sa mga oras na ito. Higit tatlumpung minuto na akong nakatanghod sa harapan ng kompyuter pero mangilan ngilang salita pa lang ang nabubuo ko. Sa totoo lang nahihilo na ako. Ikaw na ang makipagtitigan sa monitor, ikaw na ang makipagkindatan sa cursor ng matagal at ikaw na ang tumingin sa pointer ng mouse na animo miyembro ng streetboys kung gumalaw. Blangko, ‘yan ang estado ng utak ko ngayon. Parang muka ng isang babaeng nakaputi sa madilim na elevator ng isang gusali na isang anay na lang ang hindi pumipirma at tiyak na guguho na.

*yosi break*

(hit-hit buga—-hit-hit buga)

Ganito na lang siguro, para may masabi at may ma-i-blog lang, kwento ko na lang ‘yung usapan namin ng mga bago kong kasama sa trabaho nung minsang nag-inuman kami.

Colleague 1: Pare may isang babae, masaya ako ‘pag kasama ko siya, pero hindi ko alam kung mahal ko siya.

Colleague 2: Ahhh, libog lang ‘yan tsong!

Colleague 1:Hindi rin. Kahit libog wala akong maramdaman. Nag-ja-jive lang talaga mga trip namin kaya nasasarapan akong kasama siya.

Pedro: Ah baka tropa material lang kaya ganyan.

Colleague 1:’Eto ngayon ang ang kwento. ‘Yang babaeng kwinekwento ko, malaki ang tiyansang maging kami niyan. Ay teka, mali pala. Mas tama sigurong sabihin na napakaliit lang ng tiyansang hindi maging kami kung liligawan ko siya. Ang problema, meron ngayong bagong babae, at sa kanya ko nararamdaman ‘yung tinatawag na “spark” at “magic” na hindi ko maramdaman sa isa.

Pedro: Ano namang kabaklaan ‘yan? Lab lab ganun?

Colleague 2: O ano ngayon ang problema mo? I mean anong tanong mo? (kausap si Colleague 1)

Colleague 1: Ok lang ba na tanungin ko si Girl 2 kung may pag asa ako sa kanya kung liligawan ko siya?

Pedro: (dahil wala namang ibang gagawin, napilitan na lang makipagdiskusyon sa 2 kainuman) Ah so naghahanap ka ng security? Playing safe ganu’n?

Colleague 1: ‘Yun ba tawag du’n? Hindi naman siguro sa ganu’n pare. Ang punto ko lang. May isang babae na may gusto sa akin na sigurado akong magiging kami kung gugustuhin ko. Pero iba ang gusto ko. Ang gusto ko lang sana mangyari eh i-dump muna ‘yung isa bago ko i-pursue itong si Girl 2. Para malinis at walang sabit. At gusto ko sana eh malaman lang na kahit 0.01% ay may pag-asa ako kay Girl 2.

Colleague 2: Playing safe nga tawag diyan.

Colleague 1: Hindi din. Practicality ang tawag dito. O sige, let’s say na trainee ka sa isang kumpanya tapos along the way, nalaman mong hindi ka mareregular. Bakit mo pa itutuloy ang training kung alam mo na in the first place na hindi ka naman pala mareregular?

Pedro: Kung gusto ko talaga ‘yung ginagawa ko. Kung passion at mahal ko ang trabahong ‘yun. Itutuloy ko pa rin ang training. Kahit alam kong hindi ako mareregular, aasa na lang ako at magbabakasakali din na baka along the way eh makita nila ang effort ko at gawin akong regular. Ang babae naman kasi eh hindi magsasabi ‘yan kung may pag-asa ka o wala kasi once na sinabi nilang may pag-asa ka, para ka na rin nilang sinagot nu’n.

Colleague 1: O sige pare, gawin nating ganito. Nagtanim ka ng buto ng mangga. Tumubo tapos naging puno. Along the way, ng dahil sa kagalingan ng siyensiya ay nalaman mong kahit anong pataba at pausok mo pa sa precious tree mo ay hindi ito mamumunga. Anong gagawin mo? Magpapatuloy ka pa din bang alagaan ‘yung puno na ‘yun? O magtatanim ka na lang ng panibago?

Pedro: Point taken. Well said pare at tinatanggap ko na napakahusay ng analohiyang ginamit mo. Pero anu’t ano pa mang puno ng prutas ang gamitin mo at kahit magmistulang fruit salad pa ang kwento mo, ipapaalala ko lang din sa’yo na tao tayo at hindi puno. At sa mundong ito, walang sigurado. Life itself is a gamble. May mga risk na dapat suungin. May mga bagay na hindi mo malalaman ang sagot hangga’t hindi ikaw ang mismong susubok sa katanungan.

*natapos ang usapan at pinagpatuloy pa ang inuman*

P.S. (Pahabol Salahat)

Napansin niyo ba na ilang beses na nagamit ang phrase na along the way? ‘Yaan niyo na, ganun talaga pag usapang lasing! WELKAM BACK to me! :D

P.P.S. (Pahabol Pa Salahat)

Kung sino ka mang “guest” na nag-iwan ng message sa cbox ko. Nais ko lang malaman mo na pumapatol ako sa BOBO. Ano bang looser ang sinasabi mo? Baka naman LOSER. Naisip kong typographical error lang pero inulit mo pa talaga.

(click here)

Ikaw ang loser, ni hindi mo nga magawang mag-iwan ng link kung san ka pwede puntahan. isa kang bakla! Wala ka bang bayag o supot ka lang? Pag-aari ko ang blog na ito at wala kang pakialam kahit ilang beses akong magsara at magbukas. Ano bang mapapala mo at pati ako ay nakuha mo pang pagtripan? Magpakita ka kung matapang ka talagang putang ina ka! Ayhetychooo! U paking sanamabits!

RSS feed | Trackback URI

28 Comments »

2008-10-19 10:34:09

Ampotah, wrong spelling ang loser.
LOOSER! LOOSER! manglalait na nga lang, mali pa!
Go kuya pedrooooo!

Life itself is a gamble!
AYOS! AYOS!

2008-10-20 07:41:26

hayaan na natin ‘yang looser na ‘yan. maluwag lang turnilyo niyan.

amen ka ba dun sa life itself is a gamble? totoo naman kasi di ba?

apir sa pag sang ayon! at amen to that! :D

 
 
2008-10-19 10:41:41

eh kase nga pag mamay ari na ni mariano yung loser kaya looser na lang sayo.. anw nabasa ko sa urbandictionary a looser is a loser who cant even cahnge loser.. parang ganun.. basta ganun so mas looser si guest kase nga di sya marunong magspell.. magulo ako.. welkam bak na lang mare..

2008-10-20 07:42:14

wala akong naintindihan. dun na lang ako o-OO sa hindi siya marunong mag-spell hahaha.

salamat mare, welkam back to me too!

 
 
samieboi
2008-10-19 11:17:35

nakakatuwa ka. magiging mabuti kang laber balang araw sa kung kanino man :) heheh :)

as for the looser boy/girl… patay ka ke pedro!

2008-10-20 07:44:42

hindi rin. sa totoo lang, feeling ko naman eh ok naman ako maging laber, pero sa may mga hindi talga inaasahang pangyayari na pagkakataon na mismo ang gumagawa ng paraan para makasakit ako. mga bagay na di plinano, mga biglang problemang hindi mapigilan. mga nakaksakit sa babae na hindi ko sinasadya. gwapo ako oo, pero gaya nyo, tao lang. HAHAHAHA!

‘yaan na natin si looser. narealize ko kasing waste of time lang kung papatulan pa ‘yang animal na yan! :D

 
 
2008-10-19 12:32:56

LOOSER ka palaeh. sus.
Loser naman siya. Haha.
Keri lang yan.

2008-10-20 07:45:11

i’m such a looser! :(

i hate my life!

 
 
2008-10-19 13:19:47

Naks! ‘Yan si Pedro! Hindi lang nakakatawa ang mga posts, pero may sense ang mga sinasabi. Apir! Uhm. = P

2008-10-20 07:46:14

bihira lang ‘to. epekto din siguro nung nainom kong ihi. akala ko kasi beer na mainit lang. kaya pala ganun kalakas ang tama. teh shit! :D

 
 
2008-10-19 13:45:26

deep ka pala pag lasing. apir!

ahm, so ano na daw ang gagawin ni colleague no. 1? sana dun na sya kay girl no. 1, para hindi sya ma-heartbroken. mahirap mag-sugal.

si guest, baka si Ben lang yan. pag-pasensyahan mo na, ex ko yan eh. makikita mo naman sa cbox yung isp nya, isama mo sa next blog entry mo. hahah! tas i-block mo na sya. pede ba yun? di ko alam. hehe

basta loooser sya. harharhar.

2008-10-20 07:48:06

deep? hindi naman. sakto lang . :D

ite-take daw ni colleague one ang risk. liligawan n’ya daw si girl 2 kasi ‘yun daw talaga ang tinitibok ng puso n’ya. ‘yaan mo, i-a-update kita, hahahaha!

ben looser? hmmm, ‘yaan na q na lang ‘yan, sayang lang oras ko. hehe! :)

 
 
pey
2008-10-19 14:19:11

yan ba ang tinatawag na LOOSER?..haha!..

Minsan talga nagplaplaying safe tayo dahil gusto nating makasiguradong tama tayo sa mga magiging desisiyon natin.. kaso nga.. tulad ng sabi mo.. walang sigurado sa mundo.. kaya kung gusto talaga natin ang isang bagay.. we should take the risk… kahit na walang assurance na makakamit natin yun.. wala lang.. nashare ko lang..

binilang ko [ala yung “along the way” phrase.. 4 yung bilang ko.. tama ba?.. haha!

welkam bak pedro!..

2008-10-20 07:49:06

LOOSER talaga! :)

ahmm, 4 nga, tama ka ang galing mo! at dahil diyan may libre kang isang kilong nfa rice mula sa piso para sa pustiso pawndeysiyon. :D

salamat pey! welkam bak to me 2! :D

 
 
pey
2008-10-19 14:19:42

yan ba ang tinatawag na LOOSER?..haha!..

Minsan talga nagplaplaying safe tayo dahil gusto nating makasiguradong tama tayo sa mga magiging desisiyon natin.. kaso nga.. tulad ng sabi mo.. walang sigurado sa mundo.. kaya kung gusto talaga natin ang isang bagay.. we should take the risk… kahit na walang assurance na makakamit natin yun.. wala lang.. nashare ko lang..

binilang ko pala yung “along the way” phrase.. 4 yung bilang ko.. tama ba?.. haha!

welkam bak pedro!..

pey
2008-10-19 14:23:37

bat nadoble?.. haha!!

2008-10-20 07:49:33

oo nga. bakit nga kaya doble? hmmm. text msg? double send?

2008-10-20 07:50:02

baka naka-unli ka.

ok korni na ko!

hahahaha!

 
 
 
 
2008-10-20 06:46:19

Aba welcome back pedro! :)

Hindi din makulit si colleague 1 noh?! Kahit anong example ang gawin nya, playing safe pa rin tawag dun. Ahm.. Hindi naman nagbabasa ng blog mo si colleague 1 di ba? lol

Hahaha! natawa talaga ako sa LOOSER.

2008-10-20 07:51:12

salamat pampoy! welkam bak to me too! :D

ahmm, baka nagbabasa si colleague 1, hala, lagot ka, hahahaha.

nung una nainis ako sa looser pero ngayon natatawa na lang ako. *LOL*

 
 
2008-10-20 07:58:07

hoy looser! hahaha. . nakibasa lang:D hinanap co pa sa cbox mo ung guest na un:D bahala sya sa buhay nya:D

sa tropa mong nakaututan dila mo: masarap yung pinaghirapan. . tutal ang dami nya namang ginawang example. dapat inisip nya na rin na parang Beijing olympics lang yun. . magpakahirap sya mag training para sa gintong medalya. . hindi sa pilak o tanso:D

along the way:D ewan co kung tama yang mga pinagsasabi co. . wala din ata aco sa sarili coe:D

2008-10-20 08:45:16

ahmm, along the way, ahmmm, HAHAHA!

wala namang mali sa sariling opinyon. tama lahat ‘yan depende sa kung ano ang pamantayan mo ng tama at mali.

kung ako ang tatanungin mo sa sinabi mo, sang-ayon naman ako ng isang daan porsyento. parang puno lang ng mansanas ‘yan. abot mo naman ‘yung bunga, bakit di mo pa pitasin. Wala kasing mangyayari kung hihintayin mo na lang bumagsak ‘yan. Babagsak at babagsak sa lupa ‘yan at siguradong kakalas ang bunga sa sanga pero gaano ka nakasisiguro na hindi pa bulok ‘yan pag bagsak niyan.

kaya ang bottom line ay, tama ka, lahat ng bagay pinagtratrabahuhan. pinahaba ko lang, para masaya. hahaha! :D

 
 
mb
2008-10-20 16:40:05

pahalik naman LOOSER! LOOSER! pedring! amishusomuchtothehighestlevel! pahalik na may laway laway pa at lipstolelang!

welcomebackparemuah!

2008-10-21 09:55:18

salamat! muahhugkisssabayagsabaydilaitlogtapossubotiti!

 
 
perez
2008-10-23 09:51:35

nakakatawa nmn si boy 1..ahahahaha gnun tlga life..

Pedro
2008-10-25 23:23:08

tama ka. ganun talaga ang buhay!

 
 
rok
2008-10-25 21:20:23

ayos ang entry. looser. nyahaha. tanga ba sa spelling. lolz.

ganda ng sinabi mo pedro. pagpatuloy mo ang pagpapayo ng nakainom. ayos. haha. welkam bak.

Pedro
2008-10-25 23:21:29

nakakatutuwang isipin na kung kelan ako wala sa katinuan ay tsaka pa ako nagkakaroon ng mga payong matitino. what a looser! hahahaha!

salamat rok!

 
 

Leave a Comment

Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.

Trackback responses to this post

Theme Created by: Pedro • Powered by: Wordpress • Hosted by: Boy and Kris

© Copyright 2008