Magmula ng nagsimula akong mag-main stream blog ay dalawang beses na akong nagsara at nag-hiatus kuno. Ang pinakahuli ay naudlot sapagkat nagbukas din ako kinabukasan matapos kong magpost ng blog closed. Ang pinaka-kinukonsidera kong hiatus ay ng naisipan kong magsara dala ng matinding pagkaasiwa sa mga tao sa mundo ng blogosperyo at lahat ay naibuhos ko sa lathalang ito.

‘Eto na ngayon ang ikatlong pagtatangkang gagawin ko. Oo, magsasara nanaman ako ng blog at mag-iinarte. Bakit? Una dahil sa gusto kong punan ang pamamahingang hindi ko nagawa sa ikalawang pagsasara ko na naudlot. Ikalawa, dahil sa magiging abala ako sa ikalawang linggo ng aking training sa aking nalipatang trabaho. Ikatlo, dahil medyo dismayado ako sa mga pangyayari sa bahay gawa ng hindi namin pagkakaunawaan ng aking kapatid (kinain niya kasi ‘yung kalahati ng chocolate ko sa prijider). Ika-apat, dahil nalulungkot ako at sadyang naapektuhan sa tuluyang pagbabalik MS word ni Mr.D a.k.a. manding a.k.a Romy Diaz ng www.deardiarya.blogspot.com. Tuluyan niya nang sinara ang kanyang bahay! I hate you Mr.D! At ika-lima, dahil sa isang bagay na hindi ko inaasahang magdudulot sa akin ng walang katumbas at hindi masukat na kalungkutan. (insert hingang-malalim-tapos-hikbi-emoticon here)

Ang una kong pagsasara ang isa sa mga post ko na dinagsa ng kumento. May mga nagpakilala, at may mga anonymous na nagparating pa rin ng kanilang simpatya sa aking pag-alis. Sa mundo ng blogosperyo, apat na klase lang ng blog entry ang siguradong papatukin ng comment. Una, ang napakahusay na entry na mapapansin at magpapahanga sa maraming mambabasa. Pangalawa, and entry na kontrobersiyal na nagbabanggit ng mga kilalang tao at may mga kwento tungkol sa kanila at minsan ay mga kasiraan pa. Pangatlo, ang kahit na anong entry, kahit panget, at kahit na napakawalang kwentang blog post basta gawa ng sikat daw na blogger at internet celebrity daw kuno (tiyak marami pa ring comment ito). At ang pang-apat, ang emo na pag-iinarte na pagpapaalam entry!

Naniniwala akong tatlo sa nabanggit ko ay nandito ngayon sa blogĀ  entry na ito. Hindi naman ito kapangitan kaya naniniwala akong saklaw ito ng Mahusay Blog. Idagdag mo pa ang pagiging Paalam Blog nito. At ang ikatlo at huli ay ang paggamit sa sikat na pangalan ni Mr.D, ang Sawsaw Sa Kasikatan Blog. Hindi ito gimik. At wala din akong pakialam kung may magcocomment man o wala. Bakit ba kasi big deal ang kumento? Bakit ba kasi big deal pag marami kang hits? Bakit ba big deal pag maraming naglilink sa site mo. Hindi ibig sabihin nun sikat ka na. Hindi ibig sabihin, magaling ka. Maaaring friendly ka lang kaya maraming naglilink sayo na sila sila lang din yung nagcocomment sayo kaya naman dumadami yung hits mo. Sa sariling opinyon ko, basta nagsusulat ka at naipaparating mo sa mga mambabasa ang gusto mong iparating at nailalabas mo ang lahat ng nararamdaman mo at gusto mong sabahin ay ayos na yun! Astig na yun! At maangas na yun!

Hindi na malaking isyu sa akin yung mga ganyang bagay ngayon. May mga pagkakataon lang talaga sa buhay ng isang tao na nakakaramdam sila ng pagod at pagkasawa. Hindi naman sa nagsasawa na ako ng tuluyan pero aaminin ko, nakakastress ang pagbloblog. Lalo na pag may mga taong galit sayo. Lalo na pag may mga taong ginagawan ka ng isyu. Lalo na pag naghahalo yung bad trip mo sa blogosperyo at problema sa trabaho at pagkaasiwa mo sa bahay. Parang maalat na matabang na mapakla. Masama ang timpla! Ihinarap ko sa inyo ang isang muka ng masayahing tao pero hindi ito nangangahulugan na wala na akong karapatang magalit at malungkot.

Hinihingi ko ang pang-unawa ninyong lahat. Sana pag balik ko andiyan pa din kayo. Naghihintay sa pagbabalik ko. Nakahandang magpalinlang sa mga mukang-totoo-ngunit-hindi na blog entries ko. Eksayted magbasa ng mga susunod na walang kwentang blog post ko. At natutuwa na nagbalik nanaman ako. Alam ko masyadong malaki itong hinihingi kong ito pero sana mapagbigyan niyo ang kahilingan ko.

Babalik din ako. Hindi ito pagsasarang panghabambuhay. Hindi ito permanenteng pamamaalam. Muli, babalik din ako. Kung kailan ay hindi ko pa alam. Maaring bumalik ako kapag ngyari ang isa sa tatlongĀ  mga kadahilanang ito:

A.) Kapag sinipag na ko ulit.

B.) Kapag masaya na kong muli, kaya ng ngumiti muli, at kaya ng humarap sa kahit na sino ng walang galit, walang hiya, walang pagkasuklam at pag wala ng lungkot sa aking mata, puso, utak at kaluluwa.

at

C.) Kapag nagbalik na uli si Mr.D at ang integridad ng putang ina mo ka!

P.S. (Pahabol Salahat)

Kung regular kang mambabasa ng walang kwentang datkom na ito ay may tiyansang nabasa mo ang minsang pagmomonologo ni Romy Diaz sa sibaks ko. Maraming naipayo sa akin ang matandang ito. Napakafair na tao kaya ‘wag na kayong magtaka kung bakit isa siya sa mga tinitingala kong blogista! Nakakalungkot lang isipin na wala na siya. Paalam manding, hanggang sa muli! :D

RSS feed | Trackback URI

20 Comments »

2008-10-06 12:07:40

no comment n lng!

Pedro
2008-10-14 15:37:21

pwes, no comment din.

 
 
2008-10-06 15:43:01

hay buhay

Pedro
2008-10-14 15:37:38

parang life.

 
 
2008-10-06 16:11:17

eh paano yan? aalis rin ako? ;)

si mang romy, di ko man lang nakausap bago namaaalam. anak ng kwago talaga. =(

Pedro
2008-10-14 15:38:04

oo nga. bastos na matanda. parang DOM lang.

 
 
samieboi
2008-10-07 01:08:23

:|

Pedro
2008-10-14 15:38:19

:(

 
 
V
2008-10-07 16:34:31

parang pinatay mo si manding. hahaha.

anjan lang yun. dakilang lorkor

Pedro
2008-10-14 15:39:02

lorkor? hmmm, kung totoo yang sinasabi pwes mananawagan ako. oo na MANDING!!!! nakakamiss ka na!

 
 
2008-10-08 09:18:24

ahahha! lahat ng blog closed. tsk. ano nga ba nangyari kay mr_D? pag-check ko bigla na lang removed yung blog nya. pati yung ibang blog, unaccessible na din. :-/

hintayin ko pagbalik mo brando. apir! :D

Pedro
2008-10-14 15:39:57

ewan ko ba diyan kay Mr. D

yung lolo’t lola ko ganun din eh, nagsara na din ng blog hahahaha!

 
 
2008-10-08 12:37:50

i was stunned when i read xG’s status na wala na nga daw si Mr.D, wala ng blog, nagdelete na ng account. isa lang ang ibig sabihin, totoong tao ang mga nasa likod ng mg blog, hindi bot.

GoodLuck sa’yo Pedro!!

Pedro
2008-10-14 15:41:29

gusto kong gayahin si Mr.D gusto kong tuluyang mawala sa sirkulasyon ng makabagong pamamaraan ng pagsusulat. ang blogging.

pero hindi ko pa kaya.

hindi pa sa ngayon.

hindi pa muna.

nekstaym siguro…

nekstaym!

salamat poy!

 
 
2008-10-08 13:45:59

ito ang isa sa pinakamasarap na gawin sa blogosphere, ang mag-blog leave o blog break. ako, kakatapos ko lang. hindi rin naman kasi sa lahat ng oras makakaya kong magsulat ng nakakatawang bagay o ibahagi ang kwento ng buhay ko. may mga pangangailangan din tayong kayang punan ng pananahimik at pagpapahinga. malakas ang loob ng isang taong marunong bumaba sa entablado at isiping mabuti ang mga nangyayari sa kanyang buhay. wala rin akong pakialam kung wala nang magbasa ng blog ko dahil umalis ako, ang mahalaga pagbalik ko may mga tao pa ring naniniwala sa kakayahan ko bilang manunulat o blogger.

astig ka parekoy. hihintayin ko ang pagbabalik mo.

Pedro
2008-10-14 15:45:40

diyan naman ako bilib sa’yo jeck!

bihira ka lang magparamdam pero yung mga bihirang pagkakataon na ‘yon ay sigurado namang napakamakabagbag damdamin.

saludo ako sa’yo pare ko!

SALAMAT!

maghintay ka diyan hanggang mamuti ang mga mata mo!

che!

HAHAHAHAHA!

 
 
2008-10-09 00:57:39

langya kaw na nga lang ang masipag mag entry e’
balik ka agad..

Pedro
2008-10-14 15:46:37

hinihintay ko pang mangati ang mga daliri ko. babalik din ako. sa lalong madaling panahon!

salamat, idol cabron!

 
 
2008-10-12 13:27:02

ano ba naman pedro! ngayon na nga lang ako nagkaoras na magblog hop tapos ganito pa ang dadatnan ko? umayos ka pedro, wag ganun!

balik agad, ha!

 
Pedro
2008-10-14 15:47:05

babalik na.

malapit na!

mga 5 months na lang. :D

 

Leave a Comment

Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.

Trackback responses to this post

Theme Created by: Pedro • Powered by: Wordpress • Hosted by: Boy and Kris

© Copyright 2008