October 5th, 2008 | Posted in Pedro Is Emo, Pedro's Life Story, Pedro's Thoughts

Masalita talaga akong tao at aminado akong may mga pagkakataon na lumalampas na ako sa bakod magmula pagiging sapat lang at patungong sukdulan. Pakiramdam ko may ADHD ako. Malakas akong humatak ng atensiyon sa paraang hindi ko sinasadya. Hindi ko alam kung bakit pero magmula bata ay ganito na talaga ako. Bibo ba akong matatawag o sadyang papansin lang?

Naalala ko tuloy nuong bata pa ako. Napansin ng nanay ko na para akong kiti-kiti na hindi mapakali sa isang tabi. Tila isa akong trumpo na kangkarot kung umikot. Hinayaan niya lang ako na maging  gano’n nu’ng simula pa lang ngunit nagsimula na siyang maalarma ng makita niyang higit na sa mga normal na bagay ang aking pinaggagawa at pinagsasabi. Ginawa kong goma ng tirador ang garter ng kanyang panty.  Sinubukan kong susian ang saksakan ng kuryente sa pag-aakalang mabubuksan ko ito.  Natulog ako sa loob ng prijider, nag-mic test ako sa ulo ni mike na kapitbahay namin, ginawa kong lego ang  mga baso at plato at nabasag ang lahat ng ito. Ilan lang ‘yan at marami pang iba at magpasa-hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ko natitignan ang bawat bagay sa napaka-ibang perspekto. Nang mapagtanto niya na may pagka-otistik ako ay pinagpasyahan na niyang ikonsulta ako sa isang eksperto. “Ganyan na ho talaga siya Mrs. Montoya, likas na ho talagang matalino ang inyong anak na si PEDRO. Malignant ho, ikinalulungkot ko ho ngunit wala ng lunas ang kaniyang sakit.” ‘Yan ang hinding hindi ko makakalimutang sinambit na mga kataga ng duktor nuon sa tenga ng nanay ko. Binubulungan pala si nanay nuon. Akala ko kasi dati nilalandi na ni dok. Para kasing nakikiliti pa si ermats at humahalinghing. Mali pala ang akala ko at napraning lang pala siya sa balitang siraulo ang anak niya.

Nakakarinig ako habang tulog. Prinoproseso pa rin ng utak ko ang mga salitang nasasagap ng tenga ko. Tulog ang diwa ko ngunit hindi ang utak ko, ganito ako madalas. Kaya kong magbasa ng rambol at pabalibaliktad at pag may nakakarinig na ginagawa ko ito ay napagkakamalan akong deka ng mga repa sa tokan ng dakalsa sa men-a. Mahusay ako sa letra at numero at tanga naman ako sa musika at sining.  Ito ata ‘yung sinasabing balanse lang ang kakayahan ng bawat tao at walang perpekto. Naniniwala akong matalino ako kaya nuong minsang sinabi sa akin ng nanay ko na gwapo ko, “ULOL! wag mo kong gaguhin!” ‘Yun lang ang tanging nasagot ko. Sus naman kasi, matalino na gwapo pa? Pft. Hanuber? Hindi ako talentado at mas lalong hindi ako gwapo! Give me a break!

Binalewala ko lang ang sakit ko at hayskul na ng tuluyan kong paniwalaan na matalino talaga ako at sadyang ibang klase talaga ang utak ko. At ng dahil dito umangas ako ng sobra. Angas na wala ang iba. Angas na hindi kayang tapatan at higitan ng kahit na sino pa. Ito ‘yung sarili at unique na angas na tanging ako lang ang meron. Maangas man akong maituturing ay hindi ko matatanggap kung may tatawag sa aking mayabang. Iba kasi ang hambog at iba ang bibo. Iba ang ang angas may laman sa yabang ampaw. Napakasimple! Kung matalino kang tao, maiintindihan mo ang sinasabi ko at welkam ka dito sa walang kwentang datkom na ito. Pero kung sa kinamalasang palad ay hindi mo makuha ang pinupunto ko kahit na anong pagpupumilit mo ay hindi ka nababagay dito. Umalis ka na at ‘wag mo ng hintaying ipagtabuyan pa kita. Spare yourself with some dignity. Tama ba ingles ko? At please lang, ‘wag ka ng magpanggap na naintindihan mo kahit hindi naman. ‘Wag mo ng balaking magkumento pa at mas lalo ka lang magiging katawa tawa sa mata ko at bobo sa mata ng ibang tao.

Masarap ang pakiramdam ‘pag napaglalaruan mo ang mga salita at naihahayag mo ito sa paraang gusto mo. Astig kung para kang sirkero, isang juggler na salita ang binabato, sinasalo at binabalanse. May mga pagkakataong mabulaklak ang dila ko. Bolero na kung bolero pero kung kapuri puri ka namang talaga ay higit pa sa inanirbalang mga salita ang mga maririnig mong manggagaling sa bibig ko. Subalit kung dakila kang kupal, may taglay kang ugaling di kaaya aya at isa kang kaaway ay siguradong bulok at mabahong mga parirala lang ang tatamuhin mo galing sa’kin. Ewan ko, pero ‘pag galit ako hindi ko talaga makontrol ang emosyon ko. Nakapagbibitaw ako ng mga salita na tiyak na susugat sa puso mo at luluray luray sa kaluluwa mo. Kaya kitang patayin gamit ang mga letra ko. Kaya kong ingudngod ang pagmumuka mo sa putikan gamit ang nakasanayan kong panitikan. Ang panitikan na bastos,  balasubas, maangas at walang modo. Kaya kong durugin ang pagkatao mo kung gugusttuhin ko. Pero kung wala kang kwentang tao, hindi kita pag-aaksayahan ng panahon and you have my word on that. Mali nanaman ba ingles ko? Ok!

Nasabi ko na bang hindi ako mayabang? Oo? Ok, pasensiya na. Paulit ulit ako kasi hindi naman talaga ako mayabang. Proud lang talaga ako sa mga bagay na kaya kong gawin. Kung magaling ka, hintayin mo daw na ibang tao ang pumuri sa’yo. Pwes ibahin mo ako! Kung magaling ako, ipapakita ko sa’yo ang husay ko, at ipagsisigawan ko sa buong mundo kung gaano ako kagaling dito.  Hindi ako ‘yung humble na kapag pinuri ay sobrang OA pa sa pagtanggi at sasabihing “hindi naman, nagkataon lang, tsamba lang.” Simple lang isasagot ko ‘pag pinuri mo ako. “SALAMAT!” There’s nothing wrong in being proud of the things that you can do best. And if someone praised you, the right thing to do is to say thank you. Tama na ingles ko? Mali pa rin? Sus!

Sa totoo lang gago naman talaga ako. Pero nakasisigurado din akong mabait akong tao. Gugustuhin mong maging kaibigan ang isang katulad ko. At kung papasa ka sa pamantayan ko sa pagpili ng isang kaibigan ay siguradong napakaswerte mo. Bukas palad kitang papapasukin sa pamamahay  ko at kung isang araw ay maiisip mong lisanin ang puwang na pinagkaloob ko sa iyo (dahil sa minsang nagkasagutan tayo dahil pinatay mo ‘yung t.v. habang nanunuod ako ng porno at bigla kang nagpatugtog ng malakas na kanta ni sarah geronimo) ay pipigilan kita hanggang makakaya ko pero kung sarado na ang utak mo sa posibilidad na manatili pa sa isang lugar na bihira lang ang nakakatungtong ay igagalang ko ang desisyon mo at ipagdadasal na maging maayos ang landas na tatahakin mo. Manghihinayang ako, oo, pero hindi ako magsisi na sa isang sandali sa buhay ko ay may dumaan sa bahay ko na isang katulad mo. Marupok lang naman ako na nagtitigas-tigasan. Hindi ko kayang tiisin ang mga taong malapit sa puso ko. Bakla na kung bakla pero para sa’kin mas bakla ‘yung hindi marunong tumanggap ng pagkakamali. Supot na maituturing ‘yung mga nakikipagpataasan ng ihi. Walang bayag ‘yung mga hindi marunong magpakumbaba. Ako lahat ‘yang tatlong nabanggit na ‘yan. Ganyan ako sa ibang tao. pero hinding hindi sa isang TUNAY na kabigan.

Sa mga nagbabalak makipagkaibigan sa akin, pag-iisipan ko muna. Sa mga gustong kalabanin ako at sa mga naghahanap ng away na aksidenteng napapadpad dito, just say the word at pagbibigyan ko kayo. Siguraduhin mo lang na may kwenta kang kaaway para hindi naman masayang ang oras ko. ‘Gaya ng sinabi ko kanina, maangas ako. At eto lang ang huling masasabi ko sa’yo. Pwede kang magtangka pero kailanman ay hindi mo kayang ubusin ang angas ko! You wish!

True, This! —
Beneath the rule of men entirely great,
The pen is mightier than the sword. Behold
The arch-enchanters wand! — itself a nothing! —
But taking sorcery from the master-hand
To paralyse the Cæsars, and to strike
The loud earth breathless! — Take away the sword —
States can be saved without it!

- Edward Bulwer-Lytton

P.S. (Pahabol Sa-mga-magtatangka)

Mas matalim ang lapis ko kesa sa’yo. Kaya kung ako sa’yo eh hindi ko na babalakin pang bumangga sa pader dahil kapag ginawa mo ‘yun, para mo na ring hinukay ang sarili mong libingan. Maniwala ka! Papaliitin ko lalo ang mundong ginagalawan mo at humanda ka. Consider yourself dead! Tama na? Yessssssssss! :D

P.S. (Pahabol Sa-mga-loyalistang-mambabasa)

Sa hindi ko alam na kadahilan ay may page rank na agad ang walang kwentang datkom!  Nangyari ito sa loob lamang ng isang buwan. One lousy month at PR3 na agad tayo mga tagasubaybay. Nasa baba na ang PR icon. Sa bandang visitors sa baba n’yo siya matatagpuan. Tagumpay niyong lahat ang bawat tagumpay na natatamo ng blog na ito. Hahaha, parang showbiz lang, ang daming arte. Mga leche!

RSS feed | Trackback URI

22 Comments »

2008-10-05 14:54:30

Peace tayo Pedro! Ayokong makaaway ka. Takot ako eh. *LOLz*

2008-10-06 10:21:47

Nye! Wala ka naman ginagawang masama sa akin. Sa totoo nga niyan eh isa ka sa laging nauunang nagkokomento dito sa mga entry ko. Minsan seryoso, minsan comedy pero isa lang ang sigurado, lahat may sense. Salamat! :D

 
 
2008-10-05 15:01:45

ahm. ang picky mo talaga. siguro naman pasado na ko sa pamantayan mo ng mga kakaibiganin. kung hindi, nakakalungkot naman. :(

ako kahit sino gusto ko kaibiganin, basta hindi ako yung unang makikipagusap. hehe! pero lahat ng tao okay, chaka ko na lang ide-decide kung dpat ko bang gawing kabarkada o hindi kpag kilala ko na talaga yung tao. pero as much as possible i try to acquaint myself with different types of people. wala akong standards kagaya mo. hehehe! well… meron pala, ayoko sa malandi, pero other than that wala akong ibang rule about picking my friends.

pero gaya ng comment ko sa entry mo dati tungkol sa pagpili ng gelps, dapat walang pakialamanan you have the right to be picky with whoever you try to be friends with. kaya sa lahat ng mga sinabi mo, apir na lang sayo.

2008-10-06 10:24:27

Bilib ako sa’yo, kasi ako, pag mahabang entry yung nababasa ko eh nahihirapan akong magcomment. Nawawala bigla yung mga gusto kong sabihin. Pero ikaw, hindi. At pag ikaw talaga ang nagcocomment, nararamdaman ko yung mga sinasabi mo. Hindi ko alam kung pano pero laging nakakarelate ako. Magkaibigan tayo kahit anong mangyari, at hindi na mababago yun. :D

Ayaw na ayaw ko din sa malandi! Hahahaha.

 
 
2008-10-05 15:05:04

p.s. tama ka dun sa mga taong kunwari nahihiya kapag nakakatanggap ng compliments. haha! pa-humble effect. tsk. dapat be proud with whatever you’re being complimented on, kasi malamang you deserve all the compliments. pero simpleng thank you lang dapat. hindi na yung mayabang na tipong arrogant na ang dating. nakakainis din yun. hehe! apir ulet!

2008-10-06 10:26:19

Ugali din kasi ng pinoy talaga ang ganun. They always try to be polite unlike diyan sa america na napakastraight forward at frank ng mga tao. Pero in a good way naman. Magkaiba kasi talaga ang kultura. Sa paniniwala ko, masyadong sensitibo ang mga pinoy. Hehe.

 
 
V
2008-10-05 15:07:49

alam mo magkaibigan talaga tayo no? haha, mamaya babasahin ko lahat. yung ending lang binasa ko at mukang masama ang timpla mo… makapagsimba muna.

2008-10-06 10:26:46

Namimis ko na din magsimba. Makapagsimba nga ngayon.

 
 
2008-10-05 15:30:13

hindi ako matalino,kaya nahiya ako magkomento.wehehe.kaso binasa ko ito, so sayang naman kung hindi ako mageffort sa pagkomento. Masasabi ko lang and friendship ay byahe lang sa bus.May bumababa, sumamasakay at sumasabit.Malay natin, sa sunod na bus stop makasakay muli ang mga pasahero na minsan ay bumaba.

2008-10-06 10:29:20

Sana nga ganun kadali. Sana madaanan uli ng bus yung mga bumaba at sana maisipan nilang sumakay uli. Pero kung hindi man mangyari yun, eh matatanggap ko naman, ganun talaga, may mga bagay lang talagang hindi akma. Kung para sayo ang isang kabigan, kahit anong mangyari para sayo talaga yan. Ganun lang kasimple. Sana nga ganun lang din kadali.

 
 
2008-10-05 17:55:22

no comment. hahaha

2008-10-06 10:29:46

Ganyan din ako. Hindi din ako makapagcomment kapag hindi ko naman nabasa. :D

 
 
2008-10-05 18:52:45

flight of ideas hehe.. dq lam kng alin ang bbgyan ko ng comment dhil npkdami mong sinabi.. :) isa kang wonder kid at tyak kong pg naglaro ka ng text twist mgeenjoy ka.. :)

so ano pwede ba tayong maging magkaibigan hehe?..
ipgptuloy mo lang yang pagsusulat .. :)
(kng mgcomment prng mai alam eh noh?.. hehe)
xiao.

2008-10-06 10:31:35

Kaibigan? Sige pag-iisipan ko. Hahahaha!

Sa totoo lang, walang challenge text twist. Ang dali dali niya promise! :D

Mahal ko ang pagsusulat. Sana lang wag akong magsawa. Sana wag akong mapagod. Sana. Sana. :(

Emo, hahahaha!

 
 
samieboi
2008-10-06 01:02:18

meh kaaway ka? :)

naniniwala din ako na pag may ipagmamayabang, gora lang. eh sa meron naman eh. sana kung wala talagang karapatan di ba, eh sa meron eh. pinagkaiba lang natin, ayoko ng pinupuri, feeling ko ginagago ako. ewan for some reason ganon hahah :)) kaya ako nalang pupuri sa sarili ko.

at nakakatuwa ka kasi feeling ko napakabuti mong kaibigan nga… yiheee haahah :) saka TALENTED ka okei. period. no erase, tapon the eraser :)

smile.

2008-10-06 10:34:54

Kung siguro lahat ng tao eh kaya akong tignan sa paraang nakita mo ako eh ang laki na siguro ng ulo ko. Hindi ko matatanggap na matawag na talentado kasi pag talentado, eto yung tao na napakaraming talento. Tanggap ko namang may talento ako, yun nga lang, hindi madami, at hindi ko pa alam ang ilan sa mga ito. Nasa discovery stage pa lang ako. Hehehe.

 
 
V
2008-10-06 01:40:08

nabasa ko na..

anyway, may naalala ako sa mga sinabi mo. may natanggap akong email dati ng invitation sa multiply. tapos may nakalakip na sulat. iniimbitahan nya ako bilang contact para malaman ko kung anong nangyayari sakanya. teka. ano daw ulit? di naman sya artista.. that girl, watta funney. pft. :|

nabasa ko din sabi mo incoherent tong post mo. alam mo, blog mo to. pakelam nila. kanya kanyang style yan. mataas ang IQ mo e. pag di nila nagets, ibig sabihin di kayo magkalevel ng utak ;)

ginamit ko yung blog na trinalabandera para maglabas ng sama ng loob. i hit 2 birds with a single stone, but that was not my intention. nakasakit ako at nakayurak ng pagkatao ng isang watta funney na girl. power trip sa una, sarap! pero nung tumagal na, lalo ko lang syang binibigyan ng publicity. haha. naisip ko wag nalang. nagboblog na ulit yun e. dumami hits ng blog nya dahil saken. hahaha. teh shit.

magsulat ka ng mga bagay na galing sa puso. kung galit ka, wag mo hayaan na ioverpower ka ng galit na nararamdaman mo. mas mararamdaman mo yung pagmamahal ng readers mo para sa walangkwenta pag masaya ka. –nakapanood na ako ng a very special love e.

mahaba pa yung comment ko sa blogpost ko.

2008-10-06 10:43:07

I therefore conclude na hindi maganda ang epekto sa’yo ng JLC at Sarah Geronimo labtim. I suggest na wag mo ng ulitin uli ang panunuod ng pelikula nila. Naniniwala akong ang pagbabago ay hindi ngyayari overnight. Kaya kung sasabihin mong from superbad eh supergood o good or wateber ka na eh hindi ako maniniwala.

Hindi mo bagay. Mas maayos yung dating angas mo. Sariling opinyon lang pero ang korni ng new you. Pero kung pipiliin mong manatili sa ganyang imahe at ganyang estado eh irerespeto ko yan ng higit pa sa isang daang porsyento bilang mabuting kaibigan mo.

Ang mga kaibigan ay nagkakaintindihan. Sinasabi ang kahit na anong bagay kahit na foul at below the belt pa. Hindi ko sasabihin sayo yung mga bagay lang na gusto mong marinig. Hindi ako ganun at naniniwala akong hindi ka din ganun kaya mas mainam kung sasabihin kong hindi tayo ganun. Naiintindihan kita sa bawat bagay na ginagawa mo. At alam kong ganuon ka din sa mga bagay na ginagawa ko. Salamat!

 
 
2008-10-06 02:48:36

humaygad! may away ata. ehehe

hmmmn. ito lang ang sasabihin ko, ang tunay na kaibigan masusukat yan pag nakita na niya lahat ng bagay tungkol sa iyo maganda man o hindi pero nanatili pa din sa tabi mo at tinuring ka pa ding kaibigan. kung hindi niya natiis ang ugali mo at umalis siya ibig sabihin hindi siya tunay na kaibigan.

at isa pa pedro, hindi maikakaila na isa kang talentadong nilalang kaya ipagpatuloy mo ang iyong magiging talentado.

:)

2008-10-06 10:47:02

Ahem, ahmmm, walang away dito. Ahehehe. Peaceful lahat ng tao dito. Parang mga natutulog lang yang mga yan. At walang nangangagat sa kanila. Hehehe.

Sang-ayon ako sa sinabi mo. Pero naisip ko din na kung magkaibigan talaga ang dalawang tao eh bakit kelangang magsukatan pa? Hindi ko kayang ilarawan kung ano ang tunay at wagas na pagkakaibigan. Pero isa lang ang masasabi ko, pag nagkaroon ako nito, hinding hindi ko na pakakawalan pa kahit ano pang mangyari.

Sana kasing talentado ako ng iniisip mo. At sana nga wag akong mawalan ng gana. Sana bigyan ako ng sipag para magtuloy tuloy pa sa mga ginagawa ko sa ngayon.

Salamat yods! Mabuhay ang planet puto!

 
 
2008-10-06 06:19:09

Ang haba. Haha.
Ako, hindi ako mayabang. :D
Hindi ako maangas.
Good girl ako palage.
kaya prens tayo kuya ah!

2008-10-06 10:48:06

Ang haba nga, hehehe. Para naman tayong hindi naging magtextmate niyan dati. Para din tayong hindi naging twitter buddies. Hahaha. Opkors naman! Prends tayo! :D

 
 

Leave a Comment

Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.

Trackback responses to this post

Theme Created by: Pedro • Powered by: Wordpress • Hosted by: Boy and Kris

© Copyright 2008