Naalala ko lang nung grade one ako. Wikang ingles ang sabdyek. Nagrerecitation kami, spelling, ng tinanong ng titser ko na si Ginang Marinyas ang aking kaklase.

Guro: Utal, spell tiger.

Utal: Titi-ti-ti-Ti. Aaa-a-ay. Jiji-ji-ji. Iiii-i-i-i-E. Aaaa-aa-a-ar. T-I-G-E-R. Tiger!

Guro: Beri gud! Banggal, spell mississippi.

Banggal: M-I-S-S-I-S-S-I-P-P-I. Mississippi!

Guro: Great! Pedro, spell women.

Pedro: Ayoko po ma’am!

Guro: And why is that Mr. Montoya?

Pedro: Mahirap po kasi.

Guro: Hard? Mississippi is much harder but Banggal somehow figure it out. It’s so easy. Just spell women.

Pedro: Eh ma’am mahirap po kasi talagang ispelingin ang mga babae.

Natapos dun ang usapan at napunta ako sa principal’s opis kasama ang aking nanay kinabukasan.

P.S. (Pahabol Salahat)

Bahala ka na kung anong iisipin mo sa entry na ito. Kung maniniwala kang totoong ngyari ito sa tunay na buhay, maaari ‘yun. Kung hindi naman, bahala ka. Matanda ka na at alam mo na kung anong tama at mali. At maidagdag ko nga lang pala. Ito na ata ang pinaka-maiksi na blog entry ko. Hindi ko din sigurado. Baka lang. At alam kong wala kang pakialam. SInabi ko lang. K?

« Previous Entries

Theme Created by: Pedro • Powered by: Wordpress • Hosted by: Boy and Kris

© Copyright 2008