September 29th, 2008 | Posted in Pedro With Photo

Dahil sa mga bagay bagay na panira ng pagplu-PLURK at pagbla-BLOG ay pansamantalang mamamahinga muna ang inyong likod. Hindi ko pa alam kung hanggang kailan pero pag ayos na ang lahat ay babalik din agad ako at ipagpapaatuloy ang paghahasik ng mga walang kakwenta-kwentang blog entries.

TATAE LANG! BABALIK DIN AGAD! PROMISE!

UPDATED!!!!

Congrats sa lahat ng nanalo sa Project Laughtrip Laffapalooza! Heto na ang listahan ng 10 pinakamagagaling na humor blogger ng bansa! I present to you, gaya nga ng sabi sa baba, the 2008 Philippine’s 10 best Humor Bloggers!!!!

Palakpakan!

P.S.

Sa mga kaibigan kong nanalo, ang namber wan na aking peyborit blogger na si [xienah girl], ang pangatlo na aking kumare na si [ferber bautista], ang ika-apat na aking hinahangaan na si [mariano huwantso], at ang ika-lima na sobrang alamat sa kahusayan na si [romy diaz]. wala akong masasabi kundi saludo ako sa inyo!!!! Pinataob niyo si inday at dahil diyan, sobrang saya ko. oxox

P.P.S.

Congrats din kay [jojitah] at kay [maru]. Tunay kayong mga winner!

P.P.S.

Magtungo dito sa site ni badoodles na [ito] para sa kabuuang resulta at magpunta dito sa link na [ito] para mapanuod ang napakahusay na video na ginawa ni umleo, uulitin ko! NAPAKAHUSAY! Punta kayo ngayon na para makilala n’yo na ang PBA09 awardee ngayon pa lang!

RSS feed | Trackback URI

19 Comments »

2008-09-29 12:23:07

salamat sa lahat ng dumadaan at nagbabasa dito. ika-dalawampu’t tatlo ng setyembre, matapos ang dalawampung araw mula ng magbukas ang walangkwentang datkom ay nakamit ko ang isang libong unique visitors. hindi ko alam kung mababa ba ito o mataas. wala akong alam sa statistic pag dating sa pagbloblog. gayunpaman ay nagpapasalamat ako sa lahat ng kabilang sa isang libong hits. ika-tatlo ng setyembre ako nagbukas. wala pang isang buwan at heto’t magsasara nanaman ako.

may mga importanteng bagay lang akong aasikasuhin at magbabalik din ako sa takdang panahon. kung kailan, ay hindi ko pa alam. sa lahat ng tumatangkilik sa mga walang kwentang lathala ko, maraming maraming SALAMAT!!!!!

oxox

lubos na nagmamahal,

PEDRO!

 
2008-09-29 16:47:56

Hala! Ang dami namang nagbblog leave. Anyway, kung ano man yang dahilan mo Pedro (close tayo.lol) e sana maayos agad. Tulad ng sinabi ko sa isang blogger friend, I wish you well. :)

2008-09-30 07:19:06

close naman talaga tayo pampoy, hahahaha!

salamat!

 
 
2008-09-29 17:14:24

naku, sana magbalik ka rin pedro para naman maging close ka kay prosetitute. lol. :)

hanggang sa muling pagtipa ng mga tiklado!

2008-09-30 07:20:03

wow. sige babalik na ako agad para maging close nga tayo! eksayting yan!

 
 
2008-09-29 17:42:04

Be back soon kuya!
xoxo! :P

2008-09-30 07:20:32

i will ate, hahahaha! oxox to you too! :D

 
 
2008-09-29 18:07:36

wahhh, kelan ka babalik? ma mi miss ko ang putok mo! huhu!

2008-09-30 07:21:33

gaya ng sabi ni “KUYA” ng big brother house, babalik ako sa takdang panahon

hehe, salamat! pagtyagaan mo na muna for the mean time yung mga mahihinang anghit sa tabi tabi.

 
 
2008-09-29 21:41:46

haha. kapag natagaln ka sa pagtae mo..kakatukin ka namin. :)

2008-09-30 07:21:55

pag hindi ako sumagot ibig sabihin tulog ako. k?

 
 
2008-09-30 01:43:33

Oi salamat sa pagbanggit! ehehehehehehehehe

2008-09-30 07:22:59

nahusayan lang talaga ako sa ginawa mong bidyo. pramis sa PBA09 gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para manalo ko. pwepwersahin ko yung 2 readers ko para iboto ka, hahahaha!

 
 
2008-09-30 01:52:49

brando! bakit ka gaya-gaya saken? hahah!

next year ksama ka na sa iboboto ko sa lafftrip. :D apir!

2008-09-30 07:24:02

nagkataon lang pretty ketie! i will be back as soon as i can, i promise!

wow, salamat kung ganun, pero hindi naman kasi ako humor blog, sabi nga nila wala daw akong humor eh hahahaha. EMO BLOG ako! rawr! \m/

 
 
2008-09-30 03:34:24

bilisan mo tumae pedro. ngayon ka pa natae kung kelan magiging tambay na ako ng blog mo at hindi na lang lurker. lolz

2008-09-30 07:26:02

baka matagalan pa ko dito sa loob ng kubeta. ninanamnam ko pa kasi ng mabuti ang pagbaba ng mahabahabang pagluluksa. pinuputol putol ko para mas mainam at mas masarap. ok din, try mo. hahaha.

yaan mo sayo na din ako tatambay at hindi na kay efbee!

HAHAHAHA!

 
 
V
2008-09-30 09:01:54

YEHEY!!!!!!!!! -sa mga nanalo.

hiatus nanaman?!!!!!!oneoneone111!!!???

2008-09-30 09:48:00

hindi naman totally hiatus.

may mga things lang na i-sesettle, like you know.

err, konyo. hahahaha!

 
 

Leave a Comment

Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.

Trackback responses to this post

Theme Created by: Pedro • Powered by: Wordpress • Hosted by: Boy and Kris

© Copyright 2008