Kung papipiliin ako ng magiging gelpren, gusto ko ‘yung malinis sa katawan. Aba, sino ba naman sa atin ang may ayaw ng ganun ‘di ba? Ikaw ba gusto mo ‘yung amoy putok, maitim ang gilagid, madilaw ang ngipin, kulay putik ang batok, may kwintas na libag sa leeg at amoy bulok na durian ang paa? Sige gudlak! Nawa’y magmahalan pa kayo ng mahabang mahabang panahon.—Gusto ko sa babaeng maganda ang katawan. Hindi naman kinakailangang sobrang sexy na may pigurang 36-24-36, ngunit ayaw ko din naman ng dambuhala’t siksik. Hinda naman sa fattist ako. Wala lang talagang appeal sa akin ang babaeng may katawan na tila pinakawalan sa kusina at ang tanging bespren n’ya lang ay si fork and spoon, glass, plate at naging kasing laki na n’ya si refrigerator. Ayaw ko din naman sa masyadong payat. ‘Yung tipong muka ng malnourish na walang makain. Ayoko sa babae na masyadong health conscious. Kaya siguradong sigurado ako na hindi dietician ang mapapangasawa ko. Siya nga pala, mataba ang nanay ko, at nagagandahan ako sa kanya at sobrang mahal ko pa. Dinagdag ko ‘to bilang patunay na hindi ako galit sa matataba.
Gusto ko lang naman ay ‘yung kaaya aya ang katawan at muka. Hindi naman kelangang matangos ang kanyang ilong, ayos na ‘yung ilong na katamtaman lang ang tindig at hindi naman mukang sinagasaan ng pison. Gusto ko sana ay ‘yung makinis ang balat at walang marka ng tigyawat. Subalit wala din namang problema kung may kaunting bakas ng bulutong at sugat na naging peklat. Karamihan sa aking nakaraan ay mapuputi pero lahat ito ay nagkataon lamang. Marahil ay dahil sa ayaw ko sa babaeng maitim ang batok, kili-kili at siko. Kamakailan ko na lang napagtanto na panget din naman pala sa isang morenang babae ang maputi ang batok, kili-kili at siko. Sige nga! Isipin mong maputi ang kili-kili ni Hally Berry, o ‘di ba ang sagwa? Basta pantay pantay lang ang kulay ng balat sapat na. Hindi ko gusto ang babaeng pustiso ang ngipin. Kahit na ba sabihin pa na kaya niyang magsipilyo at sumipol at the same time ay ayaw ko pa rin. Hindi ko din gusto ang maarte masyado at maya’t maya ay nasa harap ng salamin. Alam ko na girls will always be girls pero utang na loob naman, hindi ba sila nagsasawa na makita minu-minuto ang muka nila sa salamin?
Ayaw ko sa mga pasosyal. Kung sosyal ka, malalaman na agad ‘yun ng tao sa tindig mo at asta pa lang. Makikita na ng agaran ‘yun kahit ‘wag mong ilabas ang laptop mo, magarang cellphone, at gadgets na kung anu-ano pa. Para saan ba kasi ang maarteng pagbikas mo ng “I want to go there oh!” Para ba sabihin sa amin na sosyal ka o para maloko mo ang sarili mo kasi iniisip mo na iisipin naming sosyal ka? Mayaman ka ganun? Big time ka? Then why don’t you go there all by yourself because I don’t want to be with someone who’s soooo sosyal and sooooo mayaman. You’re soooo maarte ha!
Malaking plus point sa akin ang maganda ang paa. Malakas ang appeal sa akin ng babaeng magaling pumorma. Hindi naman kinakailangang de tatak pa ang mga suot niya. Kahit na halagang otsenta na produkto ng divisoria basta maganda ang bagsak at pagkakadala ay patok na. Gusto ko ‘yung makakasundo ko sa pagkain. Kahit pizza, pasta, chicken, burger, fries, isaw, squid at chicken balls, one day old at balot lang kasi ay sobrang ayos na sa akin. Marami pa akong ayaw at gusto. Hindi naman siguro ito kalabisan. Ginagamit ko lang ang isa sa mga benipisyo ng pagiging lalake ko maliban sa pag-ihi ng nakatayo. Ang benipisyo na makapamili ng kahit na sinong gustong ligawan. Bagay na hindi ipinagkaloob sa mga babae. Oo nga’t makakapamili sila ng kanilang pag-aalayan ng kanilang inanirbalan na oo. Pero kailanman ay hindi sila makakapamili ng kung sino ang gusto nilang manligaw sa kanila. Kahit anong pa-cute mo pa sa akin, kahit anong pa-tweetums pa ang gawin mo, kahit magliliyad ka pa diyan sa harap ko na labas suso at kita utong ay hndi pa din kita liligawan kung ayaw ko sa’yo. Haaay nako, ok sige, hindi na kasali ‘yung labas suso at kita utong.
Baka isipin n’yo na masyado akong mapili. Baka isipin n’yo masyado akong nagpopokus sa pisikal na aspeto. Hindi naman sa ganun. Syempre gusto ko din ‘yung matalino at mabait. Pero hindi nman ‘yung sobrang galing at talino na aabot sa puntong lagi na lang akong mali. At hindi din ‘yung mabait na aabot sa pagkakataong hindi man lang siya nagagalit at ayos lang sa kanyang mambabae ako basta sa kaniya lang ako uuwi.
Sabi ng mga matatanda, kung ano daw ang pinagkaloob sa’yo, tanggapin mo daw ng buong puso at kaluluwa. Sabi din nila, matuto daw mamili at wag daw basta tanggap lang ng tanggap. Putang ina naman, ano ba talaga gusto nilang gawin ko? Alam ko may magsasabi na pilingero ako. Hindi naman gwapo tapos masyadong mataas kung maghangad. Isa lang ang masasabi ko sa inyo. Mapili ako kasi para sa akin ‘yung pinipili ko. Kung pipili ba ako ng panget na bungi hanggang bagang eh pakakasalan mo? Kayo ba ang magsasama sa ilalim ng iisang bubong ng babaeng mapipili ko? Ikaw ba ang makikipag-sex dun sa babaeng maitim sa bubble gang kung siya ang mapipili ko? O bakit ngayon hindi ka makasagot diyan? Kung masyado akong mataas maghangad edi sana si Marian Rivera at Angel Locsin na ang diniskartehan ko. Ayoko sa impyerno pero hindi naman ako naghahangad ng langit. Purgatoryo lang, solb na ako!
Parang namimis ko ng magkaroon ng gelps. Pero ‘pag meron naman, ang bilis bilis ko namang magsawa. Kapag nakita ko na kasi ang kasamaan ng ugali ay ayaw ko na. Ayaw ko kasing baguhin ang ugali ng kahit na sino man. Mas ayos kasi ‘yung magugustuhan at matatanggap mo siya sa kung sino siya at kung ano siya. Bagay na hindi ko pa nararamdaman at nagagawa. Gusto ko parang damit na laging bago. Hindi ako kuntento sa bagong laba, bagong plantsa, at kahit lubusan pang natanggal ang mantsa. Gusto ko bagong bili sa mall.
Ang totoo ay masarap naman talagang magkaroon ng gelps. Pero mas ayos din kung mukang masarap ang ‘yong magiging gelps. Ayos kung para din kayong magtropa. Matalinong kausap. Malawak ang pang-unawa. Magaling mag-alaga. Madiskarte sa buhay. At may pangarap para sa hinaharap. Pero hindi din makakasakit kung bukod sa mga katangiang ito eh maaliwalas din, maganda, at malinis ang pisikal na anyo. Hindi ang panloob na kaayuhan kundi ang pisikal ang bubungad sa’yo pag gising mo sa umaga. Isipin mo na lang ang isang hindi kanais nais na pagmumuka na una mong makikita pag dilat mo ng iyong mga mata sa umaga. Masasabi mo bang, ok lang, mabait naman siya?
P.S. (Pahabol Sainyo)
Pinabasa ko ito sa isang kaibigang babae bago ko ilathala. Sabi n’ya ay ayos naman daw ngunit baka may masaktan at tamaan daw akong mga mambabasa. Baka daw lusubin ako ng grupong Gabriela. Baka daw kasi masaling ng entry na ito ang “ego” ng mga kababaihan. Ito lang ang masasabi ko. Kung sino sa inyo diyan ang malinis at walang pagkakamali ay siyang unang pumukol sa akin ng bato. Buong puso kong tatanggapin ang kahit na anong kumentong gusto niyong iparating. Pormal man o impormal. Bayolente man o hindi. Mapanghusga man o mapangbuska. Tatanggapin ko ang kahit na anong patutsada.
24 Comments »
Trackback responses to this post





Dear Pedro,
hmm… thought provoking. =)
“Ang benipisyo na makapamili ng kahit na sinong gustong ligawan. Bagay na hindi ipinagkaloob sa mga babae. Oo nga’t makakapamili sila ng kanilang pag-aalayan ng kanilang inanirbalan na oo. Pero kailanman ay hindi sila makakapamili ng kung sino ang gusto nilang manligaw sa kanila.”
— TANGO! TANGO!
isang daang puntos para sayo! =)
Tungkol sa P.S. mo, wala naman akong nakikitang mali sa entry na ito you’re just plainly stating kung ano ang gusto at ayaw mo.
Good luck sa paghahanap ng gelps, hehehe.
first time ko yata magcocomment sa blog mong WalangKwenta…
may kanya-kanya talaga tayong ideals kaya nga iba-iba tayo ng taste…
sa tingin ko rin naman ayos lang tong post na to (referring to PS) kasi kung may mga matatamaan na babae (or binabae, haha) e bakit ba? nage-aim ba silang maging gf mo? at hnd naman lahat ng lalaki ay same sa taste mo.
tsaka ako’y nagtataka anong meron sa paa? dami ko kasi kilala na guys na foot fetish… pati mga famour celebs…hmmmm…
hindi ka nga mapili ng lagay na yan.:-)
pero sabi mo nga karapatan mo yun bilang gwapo.:-)
may mga aplikante ka na ba pogi?
may mga aplikante na ba pogi?
nananaginip ka ba? mukang panaginip ang gusto mo e… wala naman taong pekpek este perpek… its two way to tango tsaka lahat napag-uusapan or nadadaan sa magandang pag-uusap… rocky road naman ang relationship hindi parati puro saya at sarap (hindi lang sex) lang meron minsan may iyakan at drama. kasama na yun sa kabuuan ng mga babae. at meron din mga challenges na bigay ni Lord para icheck kung talaga kayo nyo na…
at the end of the day, kayo pa rin naman ang mag dedecide kung mahal nyo ang bawat isa sabi nga ni giselle sanchez:
“Kapag mahal mo ang isang tao, kahit masakit sa pride mo, matuto kang magpatawad, at kapag napatawad mo na siya, makakalimutun mo na lahat ng masasakit na ginawa niya sa iyo at liligaya ka uli. Which would you rather be? Miserable for life because you needed to teach someone a lesson? Or happy because you have forgiven, forgotten, and have loved again?
basta be positive lang na hindi lahat ng mahal natin perpekto kasi kaya nga tayo nag-relasyon to make it work and to make us BETTER PERSON!
kanina pa nakapark tong comments nato sa browser ko. di ko alam ang icocomment ko. naguguluhan pa ako. hindi naman ako peminista. care ko naman. hahaha parehas lang naman tayo.
masama ang ugali! leche. wala akong titi.
and may i just add: hindi ako gelpren material. yun lang. baka gusto mo lang ng living example ng isang babae na di dapat nililigawan at minamahal. hehe
Ako ang una ko talagang tinitingnan sa babae eh either armpits o paa. Magaling akong sumilip ng kili kili ng babae kahit pa gaano siya mag-effort itago ito. Ayoko sa babaeng me buhok sa kili-kili, kahit na kakatubo pa lang. Big turn off!
pedro, kaipokrituhan nga kung sasabihin ng isang lalaki, o kahit babae na hindi nya hinahanap ang pisikal na aspeto ng isang prospect na maging syota. tama lahat ng sinabi mo. agree ako dyan. kahit ako, meron din akong mga pamantayan sa gusto kong maging gelps sa hinaharap. dahil yun ang gusto, sana makuha ko. pero sabi nga nila, para kang maghahanap at mamimili ng pinakamaliit na butil ng buhangin sa bundok ng buhanginan. ganun kahirap, at kung mahanap mo man eh hindi ka pa rin sigurado kung yun na nga yung pinakamaliit. hindi mo pa rin tatanggapin o kahit sya ay hindi matanggap.
para sa akin, mas gusto kong kinakaibigan yung isang babae, kung tipo ko sya. hindi nakakasawa yun. kasi minsan ang saea factor ang nagbibigay dahilan para makipaghiwalay ang isang tao, lalo na pagumabot sa punto na nakilala mo na lahat pati yung ugali at lahat lahat sa kanya. pero sa isang banda, challenge pa rin yun ng pakikipagrelasyon.
basta pedro, hindi ganun kadali ang pakikipagrelasyon, walang perpekto. at sana SOON mahanap mo na yung hinahanap mo
bakit walang gustong magcomment? hala.
ayoko rin dun sa mga taong ang kapal ng muka magsuot ng damit tas kitang kita mo yung label ng damit nila. eh ano naman ngayon kung nakabili sila ng ganun diba? hahah! teka. magco-comment ulit ako mamaya, nakalimutan ko yung ico-comment ko kagabi. basahin ko ulet.
ayan. nag-skim through the entire entry na ako. di ko na binasa ulit kasi mahaba. heheh!
natawa ako dun sa pustiso. pwedeng mag-toothbrush at mag-sipol. hahaha!
anyway tama, karapatan mo nga mamili kasi ikaw naman ang makikipag-relasyon kaya dapat wag ka pakialaman ng mga tao. maganda din yung mapili, at least sigurado kang gustong-gusto mo yung magiging gelps mo at alam mong mamahalin mo talaga.
good luck sa paghanap. heheh!
ang tanong ko, sakaling mahanap mo na nga ang babaeng pinapangarap mo (kahit na sa sobrang perpekto eh parang robot na), ang babaeng nagfi-fit sa lahat ng categories na sinabi mo, eh ikaw ano naman maio-offer mo sa kanya? hahaha! sige apir!
hmp! chauvinist! mapanlait! bad! bad! bad!
praktis lang. kunwari babae akong maiting ang bagang. lols
ayos ang mga punto mo, tama ka nga. pipili ka na rin lang naman bakit yung mukha pang pagtyatyagaan. tara, hanap pa tayo ng maganda. may kilala ka pa bang magandang blogger? mwehehehe
mataas ang standard ko dati pagdating sa pamimili ng gelpren kaya pahirapan kung makahanap ako. Pag may nakita akong mali ekis na agad. Masyado akong napako sa ideal girl ko samantalang hindi naman ako perpekto.
Pero gusto ko sa babae yung malaki ang pu… pu… puso.
yung kaya akong mahalin, yung hindi ako iiwan at hindi ako paasahin sa kung anong salitang binitawan nya.
PS. kung babae lang ako nag-apply na akong maging syota mo! alam ko kase kung pano ka mag alaga bilang isang kaibigan kaya natitiyak kong mabuting kang boypren pag nagkataon.
XOXO mare
Nung una akala ko ay Movie Review ng Pelikulang Wanted ang entry mo. Gelps pala. Btw, let me share again my story. Meron akong naging Gelp for 4 years. Dalawa sila at di ko sila nakatuluyan. Meron akong naging Gelp for 5 months asawa ko na sya for 4 years. Mahirap magka-alaman ng sikreto ang mag BF kahit sabihin nating sampung taon na silang mag bf iba pa rin yung magkasama sa isang bubong. Dun mo malalaman kung hanggan saan kayo tatagal, pero kung wala kang balak mag-asawa ay wala kang problema dun. Ang mahalaga kasi sa partner sa buhay ay yung magkasundo kayo ng ugali. Pag tinaggap ka nya kahit isang buwan ka ng di naliligo ay malamang LOVE ang tawag dun or bka may sipon lang sya.
tsk tsk.
ok lang ba kahit may konting kalyo sa sakong?
haha.
geh..
hanap kita ng babaeng ganyan.
toinks!
ako rin nahihirapan mag hanap ng gelpren.. lol..
sa totoo lang, kung naging lalaki lang di ako e halos may pagkakapareho ang ating gusto sa babae.
sige, hamo at pag nag ka gelpren ako, papahiram ko sa iyo minsan.. ahehehehe..
kung ako lalake..isasama ko na sa listahan ang “babae na kayang kaya akong buhayin sa tagilid na mundo.” ahaha.. tawagin na nila akong batugan, uso naman iyon.
sabi nga nila, kanya-kanyang taste yan eh. sabi ni andrew e., humanap daw ng pangit at ibigin mong tunay, sa pakiwari ko eh mali yung payo niya. dapat eh, partner at hindi pangit ang hinahanap mo dahil at the end of the day, ang mahalaga ay yung nagkakasundo kayo at nabubuhay ng matiwasay, maganda man o gwapo ang napili mo. pero importante rin naman na hindi ka man ganon kaganda o kagwapo, basta presentable ka at hindi ka naman mukhang nag-aadik sa napthalene balls, pasado ka na sa “dating scene”. let’s admit it – kailangan mo talagang maging kaaya-aya sa paningin para mapansin. eh kung yung mga cocks, este, peacocks nga di ba? tagisan ng kulay ang labanan, tao pa kaya?
haha medyo demanding nga yang hinihiling mo pero totoo nmn eh, sinu ba namang may ayaw ng ganyan hindi ba?
saka dapat maging praktikal sa pagpili, whole package inside out na ba..,dahil sa araw2 na ginawa ng Diyos ay siya’t siya na ang makikita, hahagkan at makakasama mo habang buhay. NAKU! habang buhay nga sana!
sana makakita ka ng babaeng swak sa taste mo. hihi
Proverbs 19:14
Houses and wealth are inherited from parents,
but a prudent wife is from the LORD.