Isang araw na wala akong magawa ay napagpasyahan ko na magpunta sa isang mall na pag-aari ni Henry Sy sa bandang Tayuman. Hulaan mo kung anong mall ‘to. Oo tama ka, SM nga. At dahil d’yan, ibig sabihin ay kilala mo kung sino si Henry Sy at isa kang henyo na may I.Q. na mas mataas pa sa isang daan. Kongrats sapagkat mas matalino ka pa kesa dun sa dalawang siraulo sa kanto.
Sumakay ako sa isang pila ng jeep sa kanto ng Arsenio Lacson at Espanya. Papasok pa lang ako ng biglang naaninagan ko kaagad ang isang maputi at makinis na babaeng nakadilaw. Luwa dede, astig! Ayos ‘to, sabi ko sa sarili ko. Naupo ako sa kanyang tapat para sa isi akses. Yummy!
Tawagin mo na akong malibog pero hiniling ko na sana ay trapik. Sana ay may ini-espalto na kalsada. Sana ay may mga tauhan ng MWSS na nagpapalit ng mga sirang tubo na may tagas sa madadaanan namin. Sana may nagbanggaan sa kanto pero sana ay wala namang kahit na sinong nasaktan. Lampas batok na ang ngiti ko ng maya maya pa ay may sumakay na isa pang ubod ng sexy at napakagandang babae. Nakasuot siya ng sobrang iksi na palda na kung tawagin sa panahong ito ay puke skirt. (‘wag mo akong pag-isipan ng ganyan at narinig ko lang ‘yang salitang ‘yan nung minsang namimili ako ng gamit sa divisoria.) Pagkaupo ng babae ay nadagdagan pa lalo ang kahilingan ko, sana ay walong oras ang byahe mula sa sinakyan ko hanggang sa patutunguhan ko. Phew!
Naupo ang babae sa bandang dulo ng kaharap ko. Hindi ko sinasadya ngunit nahagip ng paningin ko ang kulay berdeng panty nito. Hndi ko alam kung ma-a-arouse ba ako o ano. Parang nung mga oras lang kasi na ‘yon ako nakakita ng berdeng panty.
Wala lang, hindi sexy tignan para sa’kin. Pero ayos pa rin, libre boso na alangan namang mamili pa ako. Isang luwa dede at isang kita panty dalawang dahilan kung bakit hindi na ako nagtaka nung maggalawan bigla ang mga sensitibong parte ng katawan ko. ![]()
Malapit ng mapuno ang jeep. Patuloy pa din sa pagsigaw ang barker ng mga destinasyon ng jeep gaya ng SM San Lazaro, SM, SM, LTO, LTO, UST, CD, VCD, DVD, XXX, Dapitan, Dangwa, sige lang pasok lang maluwag pa, araw araw ginagamit ‘yan! Ilang segundo pang nagpatuloy ang ganung eksena. Dere-derecho lang sa pagsigaw ang barker. O SM SM SM SM! May isang babaeng lumapit at nagtanong, manong SM ho? Oo SM ‘yan, sige lang pasok lang. Paki-ayos lang ho ‘yung mga upo, upong 8.50 lang. Konting ipit lang, siyaman ho ‘yan, dagdag pa ng barker ng biglang may sumakay na isang babaeng mataba. O siyam sa kanan walo na lang sa kaliwa, sige lang pasok lang, pasok lang!
Napuno na ang jeep at nagsimula na itong umarangkada. Umiyak bigla ‘yung batang lalake na kandong kandong ng babae sa kaliwa ko. Todo titig pa rin ako sa mala-pwet ng sanggol sa harap ko subalit napatid itong bigla ng hindi naiwasan ng tenga ko na marinig ang kumbersasyon ng katabi kong mag-ina.
Anak: (umiiyak habang hawak ang dalawang burger na binili sa burger stand) ‘nay ang sakit sakit, nahihilo po ako.
Nanay: Saan anak? Alin ang masakit?
‘Yung sugat po ‘nay.
Sabi ko naman kasing ‘wag mong sasaktan ‘yung mga daga at gaganti talaga ‘yon. Kahit murahin lang ‘wag mong gagawin, nakakaintindi sila. Tignan mo tuloy kung anong nangyari, nginatngat na ‘yung mga damit mo tapos kinagat pa paa mo.
Uha, uha, uha! Hindi ko na po uulitin ‘nay. (hikbi) Hindi na po uli!
O sige na, kainin mo na ‘yang tinapay para mawala ‘yang hilo mo.
Huhuhuhu, baka po lumabas ‘yung pagkain sa sugat ko.
Kay santak-klos nga hindi ka naniniwala tapos d’yan naniniwala ka? Kainin mo na ‘yan, kundi papaluin kita! Anong gusto mo, sinturon o tsinelas?!! (nagtaka ako dito kasi wala namang dalang sinturon ‘yung nanay)
(hikbi) (hikbi) Kakain na po. (hikbi, sabay kagat ng tinapay)
Mama bayad ho, sa san lazaro hospital lang, pakibaba na lang ho kami duon. Hindi ho kasi namin alam ‘yung lugar.
Dere-derecho ang byahe at walang trapik. Tsk tsk, mukang maagang mapuputol ang pagpapantasya ko. Tumahimik sandali magmula nung tumigil sa pag-iyak ‘yung bata. Nagulat na lang ako ng bigla akong kausapin nung nanay. Nawala tuloy ‘yung konsentrasyon ko sa kulay green na panty.
Nanay: Malayo pa ba ‘yung ospital?
Ako: Malapit na po. ![]()
Private ba ‘yon? ![]()
Public lang po.
Mabuti naman kung ganun, isang libo lang kasi ‘tong dala ko, isang linggong kita ko na ‘to sa paglalaba.
Kasya na ho siguro ‘yan. (naawa akong bigla sa mag-ina sa totoo lang)![]()
Matapos naming lampasan ang tatlong kanto ay may bumabang dalawang pasahero. Kasunod nito ay ang pag-angkas ng isang batang paslit na punas boy. Pupunasan ang sapatos at kahit tsinelas mo kapalit ng kahit na anong i-bibigay mo kung meron man. Naisip ko na kapag binigyan ko ang mga batang ganito ay mawiwili lang sila at uulit ulitin pa nila ang ganitong gawain. Nakakapag-alala lang kasi baka ito pa ang maging mitsa ng buhay nila. Baka dumating ang isang araw na magkamali sila ng baba sa jeep at mahagip sila ng rumaragasang 11 wheeler na truck. Baka ipambili lang nila ng rugby ang ibibigay ko. Maraming “baka” pero nagbibigay pa rin ako dahil malambot talaga ang puso ko sa mga taong ganito.
Hinding hindi ko makakalimutan ‘yung muka nung isang pasahero na mukang mayaman pero ang arte at mukang matapobre. Hindi na nga nagbigay tapos sinigawan
at pinagtabuyan pa ‘yung bata, sarap paluin ng upuan.
Tinawag ko ‘yung bata at pinalapit ko sa akin sabay abot ng kakapiranggot na halaga. Hindi kalakihan pero sapat na para makabili ng isang family size thick crust pizza, 2 pieces chicken, mojos, lasagna with garlic bread at large na bottomless iced tea. Tinignan ko ng masama ang matapobreng pasahero atsaka ko inabot ang mumunting tulong ko, sabay bulong ng mga katagang kang wag magda-drugs ha!
Pababa na ‘yung bata nung tinawag siya nung nanay na katabi ko. Inabutan siya ng barya at ibinigay pa ‘yung isang hamburger. Kawawa naman, narinig ko pang sabi nito habang pababa ‘yung punas boy. Natawa na lang ako kasi kung sino pa ‘yung mukang walang wala eh sila pa ‘yung may mga ginintuang puso.
Nakarating na ako sa SM. Tumingin ng mga bagong comics. Bumili ng magazine (hindi fhm) at libro sa book sale (hindi bible). Pagkatapos ay kumain ako sa mga stall duon sa labas ng grocery at ng matapos akong kumain ay napagpasyahan ko ng umuwi.—Habang nasa byahe ako pauwi ay naglalaro pa rin sa isipan ko ang mga kaganapang nasaksihan ko wala pang dalawang oras ang nakalipas. Hindi ang malaking siopao asado ng babaeng nakadilaw at pande coco sa likod ng kulay berde na panty kundi ‘yung mag-ina na nakatabi ko. Sana ayos na sila. Wala naman akong ibang magawang tulong kundi ipagdasal na lang sila, bagay na matagal ko ng hindi ginagawa. Sana sapat na ‘yon. Sana nakatulong kahit papano. Sana may katuloy pa ‘to. Para sana masaya.
Eh kaso wala na. Tapos na. Wakas na.
P.S. (Pahabol Syempre)
Ang sakit ng leeg ko, nagka-stiff neck ata ako kakalipat lipat ng tingin sa siopai at pande coco. Ito na ata ‘yung tinatawag na karma. Kung karma sa plurk lang edi cool sana! ![]()
45 Comments »
Trackback responses to this post






Jeepney moments.
Ang awkward para sa isang babae na naka microminiskirt / nakashorts na napakaikli tapos magjijeep. Wala lang, pag sa UP, ang daming ganun tapos ayos ng ayos sa skirts nila kapag nakaupo kasi nabobosohan daw sila. Eh, wag kaya silang magsuot ng ganun diba? HAHA.
Dun sa may agham road, maraming punas boys. Jusme, dadaanan lang naman ng pamunas nila yung mga sapatos natin eh, daig pa ang tren sa bilis ng pagdaan. Minsan di ako nagbibigay kasi minsan winawaldas lang nila para sa di importanteng bagay eh, sayang lang. Kapag kasama ko naman nanay ko, sasabihin ng nanay ko, “Halika, dadalhin kita sa DSWD” tapos sabay takbo ng mga punas boys away from us.
“indi kalakihan pero sapat na para makabili ng isang family size thick crust pizza, 2 pieces chicken, mojos, lasagna with garlic bread at large na bottomless iced tea.” – WAA! NAGUTOM AKO DUN AH!
microminiskirt, ayun pala ang mas maayos na tawag dun, hahahaha. alam mo tama ka, wala naman kasing mamboboso kung wala talagang maboboso. kaya kung binobosohan sila, kasalanan nila ‘yun, hehe.
ewan ko ha, pero maawain talaga ako sa mga ganun, nakikita ko kasi ‘yung sarili ko sa kanila nung bata pa ako, haha, sus, hindi kapanipaniwala. :p
joke lang ‘yun, 20 petot lang talaga ‘yung inabot ko, hahaha!
kahit saan, yang mga babaeng mahilig mag booty-shorts o kaya mag micro-mini, tas kunwari ibababa para hindi mahipuan o ma-bosohan. nyak. kung hindi ba naman sila malandi. eh di wag na lang mag-ganun, magpantalon na lang. zeusdemet.
hindi pa ko nakakakita ng ganyan nagpupunas ng sapatos, pero nakwento na saking ng pinsan ko. kaya daw minsan ayaw nya umupo sa may entrance ng jeep kasi, kahit hindi naman nakasapatos nagpupunas pa din kahit paa na nya ang pinupunasan. hehehe! natawa na lang ako.
rawr.
mga babae talaga, malalandi, hahahaha!
kahit nga puti sapatos mo pupunusan pa din eh ang dumi ng pamunas, mangingitim pa yung sapatos mo. instead na mapabuti napasama pa, hahaha!
welkam back connie!
tl;dr. siguro mamaya, babalik nlng ako. hahaha!
teka. taga-rizal ka? lol. may SM na pala dun. XD
errr, tl;dr? ge, ge, kahit ano, hahaha!
rizal? san naman nanggaling yan? meron bang lacson, espanya, san lazaro at tayuman sa rizal? hmmmmm.
Nung unang mga linya mo ay akala ko ay puro kalibugan ang laman ng istorya mo ngunit patungkol pala talaga ito sa lambot ng puso mo bro! Saludo ako sayo. Ganyan din ang nararamdaman ko pag may nakikita akong batang paslit na humihingi ng tulong. Minsan pagbaba ko sa MRT may nanay na hawak hawak ang anak nya na may hyrdosepalus (tama ba ispeling kow?) Sobrang naawa talaga ako sabi ko nga kung makakapulot ako ng P100T nung araw na yung ay ibibigay ko sa kanila pampagamot. Di ko na hahanapin yung may-ari ng pera. Wala akong nagawa kundi ang magdasal at sana may mapadaaan na sobrang yaman para tulungan sila. Di ako nakapagbigay kahit konti dahil sobrang tipid ko ng panahon na yun. Alam mo na pamilyadong tao tayo. hehe! Sa probinsya meron akong tinutulungan dun kahit papano, ngbebenta sya ng sampaguita at binibilhan ko sya at ipinaalalang wag gagawa ng masama. Tama ang ginawa mo bro, everytime magbibigay tau paalala natin na wag nilang sayangin ang pera imbes a drugs ah ikain na lng nila. (Buti na lng hindi sinabi sayo ng paslit na di ko po ito ibibili ng drugs kasi kulang pow ito or mahal na po ang tobats ngayun. hehe) Take Care bro! marami ka pang matutulungan!
kalibugan? ano yun? HAHAHAHA. salamat naman sa pagdaan, pagbasa at sa makabagbag damdamin mong kumento. ahehehe, buti na lang at ako’y single pa. mahirap din talaga pag pamilyado na. ayos lang yan. salamat uli. saludo din ako sa’yo! mabuhay tayo! woot woot!
“Pupunasan ang sapatos at kahit tsinelas mo kapalit ng kahit na anong i-bibigay mo kung meron man.”
Kakapanuod ko lang ng indie film tungkol sa mga pulubing nagpupunas ng sapatos sa jeep at akalain mong TOTOO pala yun! HAHA. Sorry, banban ako pagdating sa mga jeep sa maynila..
Nakakaawa yung ale.
Maganda yung pagkakagawa mo ng kwento–natural pero makabagdamdamin. Nanunuot. (Woooosh). Pero seryoso. Naisip ko tuloy na eye-openers ang mga jeep kung minsan at hindi lang basta-basta pampasahero.
nanunuot! ang lalim, hahaha. natawa ako dun. gusto ko mga salitang ganyan. nakakapagpabagabag.
nag-eexist talaga ang mga punas boy na yan. nakikita ko pa nga na yung mga basahang gamit nila eh mga hingi sa mga dayber. yung mga madumi na at gamit na.
eto talaga ang gusto ko sa public places. tama ka, eye-opener. madami akong natututunan.
Aba gawa na pala ‘tong Dat Kom mo. Nung huli ko kasing bisita di ko ma-access mga posts mo.
Wala lang, gusto ko lang sabihin na natawa ako sa 11-wheeler truck. Siet ambabaw ko. Pfffttt. *LOLz*
oo two weeks pa lang ata ito. natutuwa naman ako na nandito ka ulit at nahanap mo ako. hehe. sobra sobrang plugging ba naman, ewan ko na lang kung hindi nyo pa ako matagpuan hahahaha.
11 wheeler kasi may isang reserve sa ilalim. ewan ko pero nung narinig ko eh tawang tawa din ako. sukatan yan ng pagiging henyo, ibig sabihin dalawa na tayo. LOLz.
manyak.bwahahahahaahahahaha
thank you.
at hindi nga pala ako manyak. malibog lang.
aba aba.nandito nga ang mga alagad ng plurks na smileys.wehehe..
tinatamad ka pa ng lagay na eto ha. pero tama ka, minsan mas generous pa ung mejo hikahos kesa sa mga chenelyn na richiness.
may stiff neck rin ako ngaun.pero hindi dahil sa pamboboso.
sa totoo lang, tinatamad pa talaga ako sa lagay na ‘yan. tignan mo nga oh, walang effort sa drawing, hahaha, potah daig pa ako ng bata.
kaya nga the rich gets richer and the poor ahmm, pano na nga yun? basta mas lalong naghihirap. ayun! haha.
sigurado ka bang hindi pamboboso ang dahilan kung bakit kay may stiff neck? hmmm, kaw ha! hahaha!
merun dito samin. anyway, nvm.
TL;DR = Too Long;Didn’t Read.
hahahaha.
bakit ganun? buong buhay ko jeepneys ang bumubuhay sakin pero never ko pa yan naexperince?
Pfft. Malas ko naman. Gusto ko din magkasron ng ‘eye-opening’ experience. Woooooo.
wow may bagong nadagdag sa aking kaalaman. too long too read.
nagkalat sa maynila ang mga punas boy, yaan mo at isang araw ay makakatiyempo ka din. good luck sa pagkakaroon mo ng “eye-opening” ekspiryens!
ngayon ko lang napansin na ilang beses pa lang nabanggit ang eye at open sa mga comments dito. hehe!
kaya minsan gusto ko din talaga magcommute.
ang buhay ay parang isang byahe ng jeepney.
napakamatalinhaga. hindi naman kailangan iexplain pa pero ayun nga. masasaksihan mo ang lahat ng klase ng tao sa pagkokomyut. at kung malawak lang ang ulirat ay makakapulot ka ng mga ganyang klaseng aral.
alam mo yung beatitudes? maganda yun.
ang buhay ay parang isang byahe ng jeepney. napakamatalinhaga.
may tama ka! para din itong komiks na punong puno ng kwento. pero hindi lang ito ang dahilan kung bakit ako madalas sumakay ng jeepney. nakasanayan ko na lang din talaga. masang masa kasi at makakarating ka na sa iyong paroroonan sa halagang otso’t singkwenta.
pero pag lasing ang pagod ang long trips, hahaha, hindi mo ko mapagdyidyip!
yung beatitudes nga pala eh hindi ko alam. ginoogle ko lang kaya ngayon eh alam ko na. so bale hindi na hindi ko siya alam kasi nga alam ko na. anu daw? magulo. pft!
Kung ikakapagpapalubag ng kalooban mo ito, gusto kong ipaalam na halos walang insidente na nagkaroon ng rabies ang tao dahil sa kagat ng daga. Tetanus shots lang ang kailangan niya. Mas mura yun kesa sa anti-rabies shots.
Magkokomento pa sana ako ng mahaba-haba pero inaantok na ko. Bukas na lang.
wow. buti naman kung ganun. ilang araw ko na din kasing iniisip yung mag-ina. gumaan ang loob ko kahit papaano. salamat doc!
una sa lahat,nakaka aliw ang mga plurk smileys na nandito,namiss ko tuloy maggplurk.hehe!
naawa naman ako dun sa mag-ina,
ang hirap talaga magpagamot tapos kapos sa pera.
kaya marami ang lumalala ang karamdaman dahil sa kahirapan.
katwiran ng iba uunahin pa ba nila ang mag pa check up kesa sa kumakalam na sikmura….maling katwiran pero nangyayari.
at dun naman sa namamalimos,bihira ako magbigay ng pera (dahil bihira rin ako magkapera,hehe).Sabi kasi ng nanay ko,as much as possible pagkain na lang ang ibigay kasi baka sa bisyo lang gmitin.Pero kadalasan natatapat naman na pag may nanghihingi sakin wala akong dalang food,kaya pera na rin lang.Kaso nakakadala na rin magbigay,lalo pa at recently naisahan kami ng isang humingi na tulog samin d2 sa shop..ang sbi nung mama,asa hospital dw ung asawa nya at namatay ung bagong panganak nilang baby at hindi sila makalabas ng hospital,eh di naawa naman kami ng kuya ko at nagbigay kami pareho,ang masaklap nun,raket lang pala yun,dahil kinagabihan nakita ng kuya ko nakikipag inuman ilang kanto ang layo dito samin,at ang sabi pa ng mga nakausap ni kuya ko,wala daw asawa un,at raket nga lang talaga.Tsk!Super crayola ever pa naman sya samin,kaya kami naawa kami.Kaya nga minsan,masakit man sa loob,kelenagan din siguro tikisin ung mga ganun.
Hindi sa nagdadamot pero kung kokonsintihin kasi,masasanay lang at dedepende na lng sila sa ibang tao.
natuwa nga din yung iba sa smileys.
katwiran ng iba uunahin pa ba nila ang mag pa check up kesa sa kumakalam na sikmura….maling katwiran pero nangyayari. — sinabi mo pa! at wala lang man ginagawa ang putang inang gobyerno! patayin sa gutom ang mga mahihirap. yan na lang ata ang kanilang ginagawang solusyon para malutas ang problema sa kahirapan.
pag mga malalaking tao naman, hindi ko binibigyan, sus, laki laki ng katawan, mas malaki pa sakin tapos mas malakas pa sa kalabaw tapos manglilimos? eh bakit di siya magtrabaho. di ba?
namimiss ko na rin sumakay ng jeep kapag ganyan ang mga eksena (luwang boobs at kita panty)dahil maraming ekspiryens akong naaalala dyan. pero bihira na ako sumakay ng jeep ngyon kaya wala ng ganyan..isa pa eh madami na rin ang holdapers ngyon at marami na ang pwede mawala sakin kaya ingat na lang. wala ng lugar na safe ngyon.
sa MOA ka nagpunta. sa sobrang layo nyan at laki nakakatamad na gumala. isang beses pa lang ako nakakarating dyan.
isang dahilan kung bakit ayaw ko na ng magarang cellphone ay dahil sa lagi akong umuuwi ng nakainom at nagcocomute lang. marami talagang holdaper at mga masasamang elemento na nagkalat sa kung saan saan. kaya nga pag may mga magagarang gadgets ka, eh para mo na ring sinasabing “mayaman ako, holdapin n’yo ko.
sa sm san lazaro lang ako nagpunta at hindi sa MOA. ayoko din kasi sa MOA talaga. nakakasawa tapos ang laki laki nga. nakakatamad. buti sana kung may pambili ako, eh kaso wala naman. argh!
Napakaliit naman ng halagang binigay mo na pwedeng makabili ng isang family size thick crust pizza, 2 pieces chicken, mojos, lasagna with garlic bread at large na bottomless iced tea.
Teka, marunong din ako magpunas ng sapatos. =P
ahehehe, ang totoo ay bente pesos lang talaga ang binigay ko. pers taym mo dito no? natuwa naman ako. salamat sa pagdaan, pagbasa, at pagkumento! sana maulit.
pedro, hindi ka ba nadyadyahe sa pagtingin mo sa suso at sa pekpek? este sa panty lang pala?
kasi kung ako yun mahihiya ako, kasi nakakahiyang mahuli ka na nakatingin. baka mageskandalo yun at sumigaw na MANYAK o RAPIST ka.lols
walang papalit sa jeepney. masarap talaga magjip.kung sino sino ang nakakasakay at nakakasalamuha mo. minsan kapag may nakakasakay din akong magandang babae sa jip at lalong katabi ko, minsan nagiimagine ako.hahaha. iniimagine ko na gelpren ko sya at pinagdadasal na sana ay ilagay nya ang ulo nya sa balikat ko at yayakapin ko sya ng mahigpit.haaayy.
pero minsan pag katapat ko naman, pinapasok ko na lang yung kamay ko sa bulsa ko. hahahaha. dinudukot ko ang…malaki… malaking amount ng pera para magbayad ng pasahe.lols.
minsan nakakaawa talaga yung mga batang naglilimos pero hindi ako nagbibigay kasi baka nga ipangrugby lang nila. ang bait mo pedro, sana kunin ka na ni….woosh
alam mo popoy, pag nadyahe ka, ibig sabihin guilty ka. hahaha. titig lang ako ng titig tapos pag sinita ako, sasabihin ko na wag nya akong laitin. wag nyang ipangalandakan na banlag ako. hindi kasi porke nakaharap ako sa suso nya eh duon na ako nakatingin. dun lang ako nakaharap pero sa kaliwa nya ako nakatingin. o di ba, lusot? tamo, magsosory pa yun. tapos sabihan mo pa ng “sorry your face, bitch!” tapos sabay baba ka ng jeep. astig! \m/
ang halay mo! wahahahahha!
hahahaha.. akala ko tlga alang kwenta.. may kwenta pla… sna minsan ikaw yung nsa jip pag nagblatkayo akong punas girl para bigyan mo ako ng kaunting halaga na pwedeng mkabili ng bagay na iyan.. pramis hindi ko pang drudrugs.. pang rerebond ko lang.. hehehe..
ang bilis nang karma mo.. kung sa plurk yan may 100.00 ka ng karma.. heheheh
wow si repah!
wala naman talagang kwenta dito. yung mga bisita lang at mambabasa ang nagbibigay kwenta sa site na ito. kaya salamat sa kanila. salamat sa inyo. at salamat sayo. MABUHAY KAYONG LAHAT!
pag nagbigay ka ng pera sa kanila baka isipin nilang magandang trabaho ang mamalimos… mas okay pa sakin yung mga batang nag titinda ng sampaguita or yung mga lolang nagtitinda ng sampaguita kasi alam ko trabahong marangal yun…
kaya pala ang pusa namin nakakaintindi rin!
hiningi mo ba yung number ng dalawang babae na kita ang boobs at kita ang panty? para naman makisabay ka ulit sa kanila pag pupunta sila SM.
wala akong kalakas lakas ng loob ng mahingi ng number. kahit kanino at kahit saan. sadyang pinanganak na talaga ako ng torpe. mabuti na lang at sila na itong nagkukusang ibigay ang mga numero nila. ehem!
Hahaha, marunong ka pa palang magdasal bords!
pero ung libog mo intact pa din!
hehehe. ano? walang lakas ng loob manghingi ng number? hahah ayos ah! napakasinungaling mo bords… hahaha
peace!
oo kaya! di ba nga lagi akong may bible study pag wednesday at prayer meeting pag friday.
libog? ano yun? bwahahahahha!
uuuy mabait
isang ugali lang yan sa katorse porsyentong medyo ayos na pag-uugali ko. hindi pa rin sapat. sabi ko nga sa’yo eh walumpu’t anim na porsyento ng ugali ko ay dispalinhado.
may ginintuang puso ka pala pedro. mabuhay! pwera na ung pamboboso mo. haha
mabait naman talaga ako. pambalanse na lang yung pamboboso. mahirap kasing masyadong mabait. baga maaga akong imbitahan ni lord. hahaha!
may nagtrackback sa post na ito. hindi ko naman maintindihan, walang kakone-koneksiyon, hahahaha.
ayan oh, nasa baba. parang tanga lang. pero ayus na din, dagdag link back.