Mag-iisang taon na pala akong walang gelpren. Isang taon ng walang ginagastusan. Walang boss, walang nag-uutos, walang umaalila at walang nagdidikta. Sa madaling salita, mag-iisang taon na pala akong malaya! Ibig bang sabihin eh mag-iisang taon na din akong walang sex? Ano ko gago? Neknek mo!
Masarap mag-emo kapag malamig at umuulan. Lalo na kung kasing saklap ng mga mangyayari ang matadera at walang kasing-sungit na panahon. Ito ang mga pagkakataon na mainam na sumailalim sa isang dahan dahang pagtahak sa tamis, pait at saklap ng nakalipas. Sariwain ang mga malakas na sampal ng pagkakataon na kailanman ay hindi malilimutan. Mag balik tanaw sa mga malalaking dagok ng buhay. At alalahanin ang mga bagay bagay na minsan ay nagdulot ng sugat sa kaibuturan ng ating puso’t kaluluwa.
Minsan ay naisip ko na ang ganitong gawain ay isa lamang paglalakbay na walang patutunguhan at walang kahihinatnan. Para sa mga kawawa lamang at mga dakilang talunan. Oo na! Isa na akong malaking damulag at maliwanag na ang ginagawa kong ito ay isang malaking kabaklaan. Bakla na kung bakla pero blog ko ito at hinding hindi mo ako mapipigilan, kaya belat na lang you! Ganun pa man ay madalas ko paring ipaalala sa aking sarili na ang nakalipas ay nakalipas na at hindi na dapat pang balikan. Ngunit ano nga ba talaga ang saysay ng nakaraan?—Sabi ng iba, inuulit daw ng nakaraan ang sarili nito. Sabi ng iba, ang nakaraan daw ang humuhulma sa kasalukuyan at hinaharap. At sabi naman ng iba pa, ang nakaraan daw ay nana. (past is puss) Acheche!
Para sa aking sariling pananaw, walang problema kung magbabalik tanaw ka sa iyong nakaraan. Ang problema ay kung pipiliin mong manatiling mabuhay dito. Ang nakaraan ay isang napakagandang sandata upang maging maayos ang mga kilos at hakbang na gagawin mo pa lang. Walang problema kung uulitin ang isang magandang nakaraan. At kung panget naman at puro pagkakamali ay dapat itong magsilbing aral upang maiwasan sa hinaharap. Ayos lang matisod sa isang nakausling kahoy sa iyong dinadaan. Bilang isang tao ay karapatan mo ‘yan. Ngunit kung araw araw ay paulit ulit ka pa ring matitisod sa kahoy na ito, putang ina naman, maliwanag pa sa sikat ng araw na isang daang porsyentong katangahan na ‘yan!
Ilang babae na rin ang nagpatibok sa puso ko. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay paulit ulit lang na parang sirang plaka ang ngyayari. Lahat sila ay piniling lumisan matapos nilang magpakasasa sa katawan ko. Ako bang ang nagkulang o sila lang talaga ang dahilan? Pakiramdam ko ay ginagawa lang akong parausan at tila panty liner na itinatapon sa basurahan matapos pakinabangan. Naalala ko tuloy ang isang eks-gelp na nakikipagbalikan sa akin matapos akong ipagpalit kay Brando. 1434, sabi nya. Tinanong ko s’ya kung anong ibig sabihin nun. I Love You Still, sambit n’ya. Ah ganun ba? Sige 632, bulong ko sa kaliwang tenga n’ya. Nakangiti n’yang tinanong kung ano daw ibig sabihin nun. Ngumiti din naman ako at saka ko sinabing Putang Ina Mo! O di ba ang sweet ko?
Ang kapal naman kasi ng muka, nang-aano pa! Mahaba ang pila, next!
Mahirap ng magtiwala muli lalo na kapag nakalasap ka na ng kabiguan. Sapagkat naniniwala ako na ang pag-ibig ay parang tattoo sa katawan. Permanente na itong nakaburda sa balat mo. Mabubura ito pero mag-iiwan pa rin ng bakas. Mawawala kung nanaisin mo ngunit magtataglay ka pa rin ng pekas. Isang peklat na tuwing makikita mo ay magpapaalala ng sarap at sakit na dulot ng nakaraan. Nakaraan na minsan ay humahadlang upang makamit ang kasiyahan. Oo, wala akong gelp sa ngayon, eh ano naman? Pero taas noo at babang brief kong ipagmamalaki sa inyo na I’m single by choice and not by chance. Hindi ako mapiling tao pero hindi lang talaga kasi ako naghahanap o nangangailangan man lang ng kahit na sinong magiging gelp sa ngayon. O sige, sabihin na nating mapili nga ako. Isa lang ang masasabi ko d’yan, karapatan ko ‘yon bilang isang gwapo. (insert thunderbolt ang lightning sound epeks here). Biro lang ‘yon. Alam niyo naman siguro na kailanman ay hindi magiging gwapo ang isang walang kwentang taong katulad ko. I’m so emo na talaga. Boo!—Naisip ko lang, hindi naman kasi talaga ako gwapo, pero marami pa rin talagang nahuhumaling sa hindi ko maipaliwanag na kadahilan. Nananawagan ako sa inyo, kung ayaw n’yong masaktan, please lang, LAYUAN N’YO AKO!
Masarap ang buhay binata. Masarap ‘yung walang obligasyon. Masarap ‘yung hindi ka nakatali. Masarap ‘yung malaya. Masarap nga kung kaibigan na lang. Walang away. Walang cool off. Walang break break. ‘Yun nga lang, wala ding lips to lips. Walang kayakap pag malamig, At lalong lalong walang seks! Bahala ka na lang kung anong pipiliin mo. Ayan, tumila na ang ulan. Tapos na ang pag-e-emo. HAHAHA. <—para lang masabi na hindi na ako emo.
P.S. (Pahuling Sabi)
Masama ang loob ko kahapon pa. At dahil sa inis at sama ng nararamdaman ko ay nakagawa ako ng blog entry na hindi ko inakalang magagawa ko. Nasa ilalim pa ako ng proseso ng pag-iisip kung ipapaskil ko ba ito o hindi. Gusto ko lang ipagbigay alam sa lahat na ang nabasa n’yo ngayon sa taas ay walang kinalaman sa kung ano mang kabaklaan na pinaggagawa ko kahapon at ngayon. Salamat!— OXOX
12 Comments »
Trackback responses to this post





632
mag iisang buwan na akong walang syota..
hehehe
ang nakaraan ang tumutulong sa isang tao upang mahubog ang kanyang sarili at pagkatao. wala kang dapat pagsisihan. kung puno man ito ng pagkakamali at pagkadarapa hindi ka dapat magsisi. Lahat ng ito nangyayare dahil may dahilan. May aral na napupulot sa bawat pangyayare sa buhay tulad kanina nalaman kong nasosobrahan na ako sa pagjajakol kase konti na lang ang lumalabas na tamod ko..
XOXO mare
you know i heart you!
aaaak! so gay duh! hahahaha
ok lang na walang syota, wag lang tigang. hahaha.
one month pa lang naman. ako nga wanyir na. parang nakakamiss na din.
mag… ahmmmm. ahhh. hmmm..zzzz…
pedro ang hirap talaga magcomment kapag ganito ang topic.
hindi ko din alam pero masaya talagang maging singol. pero minsan nakakainggit din kapag may nakikita kang nagyayakapan sa MRT, naghaharutan sa kalsada, nagseseks sa bubong na pusa, nagdodogstyle na doggie mga ganun. nakakainggit. hayst. T-GANG na T-GANG.
masarap balikan ang nakaraan. dun mo kasi malalaman kung anong naging epekto nito sa hinaharap. yung iba minsan nsasaktan pa rin, yung iba tinatawanan. nasa sa iyo naman yun kung anong magiging reaksiyon mo kapag binabalikan mo yun eh. depende lang kung nging masaya ba o malungkot yun. hindi ganun kalawak ang mga nakaraan ako, dahil kung tutuusin, baby pa nga ako sa usaping ito. hindi ganun kalawak ang eksperyensya ko sa pakikipagrelasyon. alamkongimportante to para matawag kang tao at naniniwala ako dun pero parang huli ito sa mga prioridad ko sa buhay.
bata ka pa naman pedro. hayaan mo darating din sayo ang tamang panahon.(parang ang layo na ng comment ko?lols/ sori hindi ako nakainom ng gamot.lols)
basta, this is so gay!!! apir!!!lols
sa mga babaeng single na nagbabasa dito, gusto ko nga palang ipakilala sa inyo si popoy inosentes, tigang siya, pm nyo ko kung gusto nyong magpasched ng date kasama siya, wahahahahhaha!
bihirang mangyari na 3rd ako pagkomento.lagi akong huli sa balita at bloghop.wehehe.
wow.napaka-inspiring na entry para sa mga loveless at tingle. Wala na atang sasaklap sa pagiging nbsb ko.aun at proud din ako.hindi ko kasalanan na nbsb ako.kasalanan ng magulang ko.ahaha.
naku pedring.. paghindi na masaya ang tingle na layp mo, bibigyan ka nyan ng bagong love-affair. goodluck na lang.
halos araw araw na kasi akong magpost nitong mga nakaraang araw. ganun talaga pag walang magawa sa buhay, hahaha. may mga panahon na sinisipag at may mga panahon talagang nakakatamad.
hindi ko na din pinapatagal yung mga post ko minsan. hindi na din kasi katulad dati na concious pa ako sa comment count. ngayon eh post na lang ako ng post. may mga nagpupunta naman dito na kahit matagal hindi nakadaan eh nagbaback read pa talaga. at nakakatuwa sila.
tuwing nakakarinig ako ng nbsb ay ikaw lagi naaalala ko. sa’yo ko kasi unang nabasa ‘yan. at tama bang sisihin ang mga magulang kung bakit nbsb? pwede namang patakas at patago, hahaha. nasa sa’yo na lang ‘yan kung gusto mo talagang maging huwarang anak. good luck naman sa’yo, hahaha!
3 years ko ng hindi nararanasan ang maging tingle. ayoko ren kase masaya ako na may labidabs ako. masarap kasi yung feeling ng you know. hehehe.
kinakabahan ako sa mga you know na ‘yan. hahaha. kung ano man ‘yan, pwes matagal ko ng hindi naeekspiryens yan.
ngayon lang ako nakapagkomento at napaka emo mo ngayon, ano ba ang nangyayari sayo ha? naku ikaw talaga.
mabuhay ang mga single.
wala naman. may mga bagay bagay lang talaga na nagpapalungkot sa isang tao kaya nagiging emo. at pinili kong ‘wag ng talakayin pa ang mga bagay na ito.
mabuhay ang mga single! ehem, kung gusto mo ng maging double eh sabihin mo lang, ipapaubaya ko ng libre ang serbisyo ko, hahaha, kahit triple at quadruple pa kung gusto mo. hahaha!
maganda nga maging single.
walang tawag ng tawag. ayoko sa lahat yung minu-minuto akong tinatawagan at tine-text, kakatapos nyo lang magkita tatawag na kagad. tas magcha-chat pa, halos maubusan na ng pagku-kwentohan. nakaka-sakal. naiinis ako sa ganun. hahah!
mabuhay mga single! rawr! heheh!
ok lang sakin yung ganun, pero kung araw araw eh jusko naman. hahaha, tama ka, nakakasakal na nga. tapos papasok na yung walang kupas na linyang i need space. edi sumakay ka ng apollo, gago! hahaha. yan sabihin mo pag may nagsabi sayo ng i need space. hahahaha.