DEAR CUSTOMER:
We wish to remind you of your unpaid electric consumption in the sum of P4,483.60, the details of which are indicated below. As you may have simply overlooked this account, we are making this reminder to you to save your service from disconnection which shall be affected on 12 Sep. 2008 or anytime thereafter, if said amount remains unpaid. Our branch offices are open to receive payment from 8:00 AM to 5:00 PM during workdays and from 8:00 AM to 12:00 Noon on Saturdays. In case the service is disconnected, we will promptly reconnect upon payment of the unpaid amount and the reconnection fee of P22.40.
Thank you for the kind attention. Please disregard this notice if payment has already been made.
Sincerely,
ROOSEVELT BRANCH
PINAKAMAMAHAL KONG ROOSEVELT BRANCH:
Kamusta ka naman ah?!?! Sana ay nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo ng liham kong ito. Ok naman me kaya sana ay ok lang din you. Matagal tagal na din akong sumasagot sa mga liham mo subalit kahit minsan ay hindi mo man lang sinagot pabalik ang kahit isa sa mga ito.
Bata pa lang ako ay halos magka-penpal na tayo. Ilang taon mo na din akong pinapadalan ng mga sulat na ganito. Akala ko dati edukado ka, kasi naman, puro wikang banyaga ang gamit mong mga salita. Minsan pa nga ay nagdugo ang ilong ko ng hindi ko namamalayan habang ninamnam ko ang bawat salita ng lab leter mo. Kailan ko na lang napansin nuong nagka-utak na ako na halos pare-pareho lang pala ang laman ng mga sulat mo maliban sa mga petsa at numerong nakapaloob sa mga ito. Minsan tuloy ay naisip kong kapareho din kitang bobo.
Hanggang ngayon ay namimisteryohan pa rin ako sa pagkatao mo. Sulat ka nga ng sulat subalit kahit minsan ay hindi ka man lang naglakip ng larawan mo. Hindi naman ako abusado at simple lang naman ang kahilingan ko. Isang litrato mo lang na kahit pa naka-side view ay tiyak na liligaya na ako.
Siguro panget ang sulat kamay mo. Napansin ko lang kasi na laging produkto ng makinilya itong mga ipinapadala mo. Nahalata ko din na puro kulay dalandan ang ang mga liham mo pero ganun pa man ay hindi kahit minsan pumasok sa isip ko na may halong berde ang iyong dugo.
Siya nga pala, nabayaran ko na ang halagang nakasaad sa liham na ito. Pinuntahan kita sa lugar na nabanggit mo ngunit gaya ng dati, bigo nanaman akong masilayan ang kaanyuhan mo. Namuti na ang gilid ng mga mata ko pero kahit anino ng kuko mo sa paa ay hindi ko man lang nasulyapan. Dahil sa maintindihin naman ako ay inisip ko na lang na marami kang ginagawa kaya hindi ka nakasipot sa oras na iyong nabanggit. Ganun pa man ay hindi pa rin nawawala ang pag-asa ko na isang araw ay magkikita din tayo.
Hanggang dito na lamang ang liham ko. Hihintayin ko ang sagot mo. Kung wala kang panahon ay i-text you na lang me sa numerong pinadala me sa you sa huling pitumpu’t pitong liham me. Mag-iingat you lagi and ‘wag you sanang papabayaan ang sarili you.
Nagmamahal ng lubos,
CUSTOMER
P.S. (Pahabol Sayo)
Nagtataka lang ako kung bakit laging sobrang laki ng perang kinakailangan mo. Malimit lang naman kaming gumamit ng air-con at kadalasan ay nakapatay ang aming prijider dahil madalas ay tubig lang ang laman at minsan ay wala pa nga. Napapansin ko din na tuwing may kailangan ka lang kung magparamdam. Bulag ang pag-ibig at dahil dito kaya ayokong isipin na pineperahan mo lang ako. Till, here. Muah!
21 Comments »
Trackback responses to this post





umabot sa higit sampung libo ang electric bill namin nung april at may. kamusta naman yon. samin naman may sulat din ng sulat. si Malate Branch. iniisip ko baka kapatid sya ni Michelle Branch.. di kaya?
putang inang sampung libo yan! hahaha. samin malaki na din kasi dalawa lang kami sa apartment ng kuya ko tapos lagi pa kami parehong wala!
hmmm, hindi kaya magkakapatid yang mga yan. magkaano ano kaya si roosevelt at malate? tsk tsk. madapaking stalkers!
akala nung mga pinsan kong puti eh elektrik fan yung erkon namen.
ako naman eh nung nagpunta sa mga puting pinsan ko eh napagkamalan kong lababo yung inidoro. acheche!
binabasa ko pa lang ang liham ni pedro ay naisip ko nang icooment sana ang MICHELLE BRANCH, naunahan mo na pala ako V.lols
nung ipopost ko na itong entry na to eh naisip ko din yan, kaso tinamad na akong mag-edit. hindi ko alam na lalabas at lalabas pa din pala yang si michelle na yan. hehe.
akalain mo un,kakatanggap ko rin lang ng katulad na liham ng sau,mula naman sa lucena branch..hehehe!
P 4,841.00 nga lang ung sakin at 44.80 ang reconnection fee.
at naiisip kong huwag ng bayaran ang hinihingi nyang halaga,dahil lampas sampung beses na nagkaron ng power interruption dito mula kninang umaga.Tsk!
kung pwede nga lang sanang wag ng bayaran. eh ang problema, pano ako manunuod ng putang inang betty la fea nyan? hahaha.
sus, sino kaya si lucena branch? ate, nanay o pinsan? malaki pala ang angkan ng pamilya branch. siguro mayayaman tong mga ‘to.
ang mahal naman ng kuryente nyo! samin ata nasa 1400..nalalakihan na nga ako dyan.
pero yung isang bahay namin ang sulat na natatanggap nun ay pawang 5.40 pesos lang ang hinihinging kabayaran.
oo nga eh, may naka-tap ata sa amin. dati kulang kulang tutaw lang yan kung kelan wala na laging tao tsaka naman tumaas. tsk tsk.
sino naman ang itinitira mo sa isang bahay? hahahaha!
tumataginting na sampung-libo ang bill namin kada-buwan.
kumusta naman yun? para kaming may pinapatakbong factory sa laki ng bill namin.
sus yan! dito nga samin ngayon nagrereklamo na ako eh. dyan pa kaya sa bill nyo. haaay nako! pag inabot na ng ganyan bill namin baka magkandila na lang ako. wala naman tao dun lagi. ayun nga lang, mainit at mahirap matulog sa gabi pag malamok at mainit.
fcuk system loss charge! hahahaha.
lol. asteg naman netong lab letter mo. hihi
nalulungkot na nga ako. kasi hanggang ngayon ay hindi pa din siya sumasagot. i so hate roosevelt branch! huhuhu.
mataas ang bill namin sa kuryente sa dati.. 5 digits! tsktsktsk
24/7 kase yung aircon ko pero mula nung nasira di na pinagawa.. ngayon 4 digits na lang bill namin..
tatlo lang kame dito sa bahay.. akalain mo ang lakas namin kumunsumo ng kiryente dati.. naisip nga naman baka buong baranggay eh nakakonekta samin..
xoxo pedro
OFF TOPIC
ang emo nung tinext mo.. wala akong load pero alam mo naman na prenships tayo poreber.. hindi mo na kelangang ipaalala sakin yun.. anuman mangyare you will always still be my B..bitch
oo nga. nabasa ko sa plurk dati. adik nga yung bill nyo ng kuryente. kaya siguro ayaw na din ipagawa yang aircon nyo dahil sayo hahahaha.
oo naman mare, i will always be your bitch, 4evah! muah!
pedro, napakalaki nga ng perang hinihingi nya sau. hindi ka ba nagtataka at biglang laki ng amount na nakasaad? samantalang 22.40 lang ang reconnection fee? kami nasa 1,200 lang ang kuryente pero 22.40 din ang reconnection fee? ang alam ko eh kung masa mataas ang bill mo mas malaki din ang RF nyan. hindi kaya nagkatypo error lang ang nagencode nyan sa system nila? hindi kaya nagoyo ka ni ROOSEVELT?
hindi ko pa rin naibibigay ang hinihingi ng kaibigan kong si BALINTAWAK BRANCH, baka sa lunes ko pa sya makaEB.lols.
naku naku. naalarma ako sa sinabi mong yan ah. napatingin tuloy ako sa lab letter sa akin at baka ako ang may typo, pero tama naman. hmmm, bakit kaya?
una si roosevelt, sumunod si malate, lumantad si lucena ngayon naman si balintawak. malaki laking angkan pala ang meron tong kapenpal ko. namimisteryohan nanaman tuloy ako lalo. tsk tsk.
sumusulat din sa amin yung pinsan nyang si roosevelt. si bacoor branch naman. hula ko malayong kamag-anak nila si michelle branch. mwehehe.
potah, parehas pala kami ng comment ni vera. buti na lang binasa ko muna yung nasa itaas bago ko ipabli–
roosevelt, malate, lucena, balintawak at si bacoor ang pinakabago. matindi pala talaga ata ‘tong sumusulat sa’kin.
oo nga. si V nagpasimuno ng kakornihan na ‘yan, hahaha, biro lang. nabitin yung comment mo, hindi ko na inedit para cool. putol s’ya, kapareho nitong rep-
hindi ko alam kung anong average cost ng electric bills jan, kaya di ako maka-relate.
sana sa susunod na sulatan ka ni roosevelt, ay para sabihin na mahal ka din nya at gusto na nyang magpakasal. ayiiii! rawr. hahah! good luck sa inyong dalawa.