September 9th, 2008 | Posted in Pedro Online, Pedro's Life Story

<off topic>

Nagpunta ako nuong byernes (09-05-08) sa ortigas upang kitain sila xienah girl, ferbert at si sikreto. Tatlo lang ‘yang mga nabanggit ko sa mangilan-ngilan na mga respetado at batikang blogista ng kanilang sari-sariling henerasyon. Bakit? Eh sa malupit at magaling sila, anong magagawa ko? Hindi ‘yon, alam ko namang sikat talaga ‘yang mga ‘yan eh. Ang tanong ko eh kung bakit kayo nagkita kita? Sa presinto ka na magpaliwanag. Eh sa trip namin, anong pakialam mo? Hehe, biro lang, ‘wag ka ng magtampo, muah! Nagkita kita kami upang dumalo sa unang araw ng isang daan at dalampung araw na selebrasyon ng kumpanyang San Miguel para sa kanilang pagdiriwang ng kanilang isang daan at dalampung taong anibersasyo. Libre ba? Sus, anong akala mo sa’kin? Mahilig sa libre?!? Kung ganun, pwes, tama ang hinala mo. Pero sa pagkakataong ‘to ay may bayad ang kasiyahan at nagkakahalaga ito ng abot kayang, isang daan at dalawampung piso. Kasama na sa halagang ito ang dalawang beer. Anong meron bukod sa beer? Isang pagtatangka ng kumpanya na maitala sa guiness world book of records ang pinakamahabang inuman sa isang lugar. Naitala naman ba nila? Aba ang dami mong katanungan ah. Wala pa akong balita ukol d’yan sa ngayon. Ano pang naganap maliban sa mga nabanggit mo? May mga banda na iba’t ibang uri ng tugtugan, may poreyn (third eye blind) subalit karamihan ay lokal. Ano naman ang masasabi mo, ayos naman ba? Ayos naman. Mahal nga lang ang alak na mabibili sa presyong apatnapung piso, ang tubig na mas mahal pa sa alak na nagkakahalaga ng animnapung piso at ang pitong pirasong cheese stick na makakain mo kung mayroon kang halagang limampung piso. Bakit naman ang mahal? Oo nga eh. Pagpunta nga namin ng 7/11 sa labas eh nakita namin na labing dalawang piso lang pala ang presyo nung tubig na nabili namin sa loob. Grabe naman! Anong oras kayo umuwi? Pati ba naman ‘yan tatanungin mo pa? Basta bago mag alas dose ay nakauwi na kami.

</off topic>

Good morning sir! (sabi ng gwardiya sa gate ng dls-college of st. benilde)

Ngumiti ako at at binati si manong guard na abot tenga ang ngisi. At saka ako nagtanong kung saan ang pasukan sa Wordcamp Philippines 2008. Camper po kayo? Dito po sir, dala n’yo ho ba ang inyong camper’s pass at kahit anong valid i.d? Ipinakita ko ang kaniyang mga hinihingi at naghintay na madeactivate ang lock ng pasukan. Haytek, parang ‘yung pasukan sa lrt at mrt. Isinaoli sa akin ni manong guard ang aking i.d at camper’s pass sabay bitaw ng mga katagang, 5th floor to the right sir. Hanep talaga si manong guard, nginitian ko na lang din s’ya kasabay ng isang mala-Robin Padilla na tango.

Camper’s pass please. (bungad ng grupo ng mga volunteers sa 5th floor)

Dali-dali nila tinignan ang papel na iniabot ko at wala pang limang minuto ay binalik na nila ito sa akin kalakip ng aking camper’s badge. Ibinulsa ko ito at kumuha ako ng ballpen at ref magnet galing sa friendster at isang wordpress sticker. Oo na, sige na. Dalawang wordpress sticker.

Excuse me. I suggest you put your camper’s badge where everybody can see it so that security personnel will know that you’re one of the campers. (sabi ng isang girl)

Itinali ko ito sa aking nuo at sabay tanong ng, miss ok na? Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw kong magpunta sa mga pagtitipong ganito. Puro naman kasi pilipino tapos inglisan pa ng inglisan, nahihirapan tuloy ako. Buti na lang at hindi ko nakalimutan sa bahay ang mga baon kong, ok, yes, fine, welcome at thank you!

Oi Pedro, bakit ka andito? (salubong sakin ni utakgago ng www.menthol-guy.com)

Putang ina, nanginig nanaman ang mga tuhod ko. Buti na lang at tagalog ang tanong sa’kin ng daisy siete anyos na henyong ‘to. Kung nagkataon ay katakot takot na pagdurugo nanaman ng ilong ang inabot ko. Mahusay ’tong bata kaya naisipan kong mag magaling kaya pinasiklaban ko s’ya ng sagot na hinango ko sa logo/badge ng wordcamp. Oi, Pedro, bakit ka andito? I’m registered, are you? ‘Yan ang sinagot ko sa tonong nagmamayabang. Ehem, ingles! Ayun, nasuka nanaman ata si Kevin.

Exit po ‘yan. (sabi ng isa pang babaeng volunteer)

Kung bakit kasi pagkalaki laki na ng exit sign eh pasaway ko pang sinuong ito. Umiral nanaman ang pagka-engot ko. Nakakahiya talagang dumalo sa mga pagtitipong gaya ng wordcamp, buti na lang at hindi ako sikat at kung nagkataon eh nai-blog na ng ibang tao ang mga katangahan ko. Ang bango ni miss volunteer, ang puti pa at ang kinis. I like!

This way! (sabi pa ng isa)

Pumasok na ko sa parang mall sa lamig na kwarto. Ang laki ng t.v. sabi ko sa sarili ko. Projector tawag d’yan sabi ng isang babaeng halatang narinig ang bulong ko. Ah projector ba? Anong palabas? ‘Yun na lang ang sinabi ko sa astang nakakaloko. Naglakad na ako papasok at parang nag-alangan akong bahagya sa kadahilanang mukang hindi angkop sa ganitong lugar ang isang gwapo lang ngunit walang kwentang kagaya ko. Mabuti na lang at naabot agad ng aking tanaw ang aking si mareng ferberta at si doc mnel. Dumerecho na ako at tinungo ang kinauupuan nila.

Creating WordPress Themes & CSS Power (by Ms. Gail Villanueva)

Ok naman. Karamihan sa mga natalakay ay medyo alam ko na kaya hindi na ako nahirapan pang sundan ang ibang itinuro. Dumating si mariano at maya maya pa ay dumating na din si she-who-must-not-be-named.

Blogging & Journalism (by Mr. Danilo Arao)

Mahusay ang kaganapan sa ses-yon na ito. Marami akong natutunan at naaliw din kami sa talakayan. Tumatak sa isip ko ang mga headline na “misis, pinasakay muna bago sakyan!” at “pulis, niloko ng tanga!” Bibihira ang mga speaker na henyo, kwela at hindi nakakabagot, at isa si ginoong Danilo sa mga bihirang ito.

Lunch – Camper’s badge please (sabay tutok ng laser gun sa bar code ng badge)

Haytek talaga! Ibig sabihin hindi ako makakaulit sa pagkuha ng pagkain. Sayang, hehe! Nakilala ko jeck, at kumain kaming anim sa isang kuwartong amoy pintura. Mapagkumbaba naman kaming nilapitan ni migs ng mindanao bloggers upang palipatin sa mas maayos na kwarto ngunit minabuti naming manatili na lang. Dagdag laman tiyan din kasi yung amoy. Nakakapanghinayang.—Matapos ang tanghalian ay lumisan na si you-knpw-who.

More sessions/ Raffle/ Picture taking with Mr. Wordpress himself, Matt Mullenweg

Masama ang loob ko sapagkat hindi ko nakuha ang gantimpalang aking ninanais. Ang ticket for two sa pelikulang italy. Uzuhr, die hard fans pa man din ako ni jolens.

Announcing of Cebu Pacific Blog Challenge (tinalakay ng babaeng hindi ko kilala)

Ang saya nito! Gagawa ka ng blog tungkol sa nakalimutan-ko-na-kung-ano, at pag napili ang ginawa mo ay magwawagi ka ng trip for one sa mga lugar nabanggit gaya ng, hindi-ko-na-din-maalala. Isispin mong nasa boracay ka ng mag-isa. O di ba ang saya?

Thank you for coming ang see you at Wordcamp Philippines 2009 (sabi ng isa)

Alas singkot pasado na ng matapos ang pagtitipon. Hindi na kami nagpunta pa sa after party sa kadahilanang malayo ang lugar at dakong ika-siyam ng gabi pa ito magsisimula. Minabuti naming magbidiyoke na lang at mag inuman sa lugar na malapit sa ginanapan ng wordcamp. Busog ang aking kalamnan ngunit ang pinakaimportante ay nabusog din ang aking kaalaman. Medyo lumelebel ap na at tumataba na kahit papano ang utak ko.

Natapos na ang the singing bee

Naghapunan muna kami sa tropical hut, murang mura at mas sulit pala dun kesa sa jabi. Matapos kaming kumain ay isa isa na kaming nagpaalam sa isa’t isa.

P.S. (Pahabol Salahat)

May mga bidyo at litratuhang naganap. Abangan ang mga scandal. Malapit na!!!

RSS feed | Trackback URI

27 Comments »

2008-09-09 11:50:38

Nagitla ako nung nakita kita sa Benilde. Hindi dahil sa minamaliit kita o kung ano man – nasupresa lang ako. Ewan ko ba kung baket.

Babasahin ko ulit ang buong post na ito. Pramis. *Wala na kasi akong oras. Haaay*.

PAKSHET KA MAG-IINGLISAN TAYO NEXT TIME AH. hahaha.

Pedro
2008-09-09 12:52:52

sus, hindi naman ako nakaramdam ng pangmamaliit. isa ka lang talaga sa mga tinitingala kong blogista. bakit mo ipagkakait sa mga hinahangaan mo ang salitang magaling sila kung talagang karapat-dapat naman talaga nilang marinig ito.

nagulat ka nung nakita mo ko kasi krass mo ko, hahaha. yikeeee, kevin! bwahahahaha!

 
V
2008-09-09 20:30:47

lagot. ahaha inglisan. lagot ka. lagot!!

2008-09-10 10:15:17

pinaghahandaan ko na nga eh. humanda yang kevin na yan. bullet day i will giant him!

 
 
 
2008-09-09 12:07:44

taena nahawa ako sa sakit mo.. pagsapit ng alas dose ng gabi nagiging emo na ako.. hahahaha

yun pala sayd epek ng pasama sayo sa loob ng dalawang araw pero ayos lang nagkasiyahan naman tayo eh.. sana next time sa strip club na tayo magpunta.. yeash!

yung video kong kumkanta ipopost ko sa blog ko yun.. upload mo na dali..

XOXO mare

Pedro
2008-09-09 12:55:06

nakakahawa nga daw talaga yung sakit kong ‘yon. tama na ang emo. tapusin mo na buhay mo hahahaha. tama ka, masaya naman talaga tayo nung byernes at sabado.

yung video, hindi ko pa alam kung pano liliitan ang file, 200+ mb, tae, ang laki, hahaha!

2008-09-10 03:12:33

bago mag alas dose nakauwi na tayo?

ala una na nung nag aabang tayo ng bus sa ortigas.. alas dose nung muntikan na tayong manood ng 3rd eye blind kaso pinigilan tayo nina xg. 12 30 nasa 7/11 tayo..

1:30 ako nauwi ng bahay.

wala lang.. bigla ko lang nalala ang mga pangyayare..

XOXO mare

2008-09-10 10:16:34

mahina talaga ang sense of time ko. 5:30 lang talaga ang hindi ko nakakalimutan. yan kasi ang oras ng uwian sa trabaho. hahaha.

 
 
 
 
2008-09-09 12:13:24

hindi mo magugustuhan pag nagsimula nang mag-ingles si kevin. dagdagan mo pa ng san mig light at gudang, mahaba habang usapan yan. he hehe.

Pedro
2008-09-09 13:02:24

sus, mauubusan ng ingles sakin yang batang yan! bring it on kevin, bring it on! hahaha!

 
 
M
2008-09-09 12:20:41

Huwaw naman, akalain mo nga namang ito ang tumatak sayo sa ilang oras nating paglalagi sa Benilde? Pulis na niloko ng tanga? Perpek! Ahaha.

Ayos na ayos talaga ang araw na to, lalo na ang bring me to life, ahehehe.

Pedro
2008-09-09 13:04:48

hindi talaga naalis sa isip ko yan hanggang nung sumakay ako sa fx pag-uwi tapos may katabi akong nakapekpek skirt na babae eh wa-epek yung silver-shining-long-white legs nya. hindi ko man pinansin. nakatulog kasi ako, hahaha.

parang mas type ko yung next in line sa bring me to life. :D

 
 
xG
2008-09-09 23:41:21

lilinawin ko lang
magkaiba kami ng henerasyon
nila ef bee at gasti
:|

at mabuti na lang
di ko napanalunan
ang ITALY passes
bwahahahah

2008-09-10 10:14:06

o ayan, inedit ko na. sorry naman.

buti ka pa tuwang tuwa na hindi mo napanalunan yun samantalang ako ay lugmok na lugmok sa panghihinayang. i heart jolens kasi. so much, bwahahahahha!

 
 
2008-09-10 09:20:32

mukhang sulit na sulit talaga ang weekends mo..lagi kang inuumaga..este kayo pala..haha! uy pedro nilagay mo pala pangalan ko dito..huhu! yari ako pag may ibang nakabasa nyan.

gusto nyo pa pala manood ng 3rd eyeblind performance? akala kasi naman di nyo makita yung exit at nalagpasan nyo na kaya tinawag na namin kayo.

2008-09-10 10:18:25

ok lang yun. narinig naman na namin kahit papano. panalo na yun! nakakatamad na din namang makipagsiksikan.

teka, asan pangalan mo? wala ha. hindi ka nabanggit dito. wala akong ineedit hahahaha.

 
 
2008-09-10 10:25:30

wala akong makoment.lols

akala ko libre ang oktoberpest na yan, may bayad pala.
at natuloy din pala ang wordcamp nyo. mukhang masaya nga ang naganap pedro, sosyal pa kasi sa benilde sya ginanap. sana magkaron din nyan ang blogger, walang kwentang blogger.lols.

enjoy enjoy lang pedro. :)

2008-09-10 12:01:21

oo nga may bayad. at ang mahal pa ng beer. sus ka poy, kahit naman libre di ka naman nagpupunta. at pwede din naman xa sa mga blogspot accounts. ako nga di ba blogspot yung pinang-register ko?

ikaw din, enjoy enjoy lang din!

 
 
2008-09-10 11:50:49

sa susunod tingin muna sa taas… mas mahaba ang off topic kesa sa entry mo a… sana makasama nako sa 2009 na pag pupulong! heheheh!

2008-09-10 12:09:38

uwi ka na kasi dito para makapag-happy happy na tayo at ng makadalo ka na sa mga ganitong pagtitipon.

2008-09-10 17:03:41

wala akong pamasahe padala ka naman pera or padala ka ng eroplano ayoko ko kasi sa mataong air-asia or cebu pacific sumakay e! hahahah!

Pedro
2008-09-11 09:47:38

sus! ikaw nga tong bigtime tapos ako pa magpapadala sa’yo? kahit kelan talaga, humble basta big time. ehem!

wala bang jeep pa uwi? haha!

 
 
 
 
2008-09-10 11:51:46

ano pala ang meaning ng ** sa blogroll mo? ibig ba nung sabihin mahal na mahal mo kame? hahaha! muah!

Pedro
2008-09-10 12:17:34

ayun yung mga walang kwentang blog mang badoy. hahahaha.

pag may ganun, ibig sabibin may update yung blog na yun. may bagong post. automatic siyang nadedetect. so everytime na magpost ka ng bagong entry, magkakaroon ng ** yung tabi ng link mo. o di ba ang taray? hahahaha!

2008-09-10 17:02:55

ang taray nga! high tech ang blogsite mo!

Pedro
2008-09-11 09:50:08

punta ka sa blogrolling datkom mang badoy, tapos kapain mo na lang kung pano. madali lang naman. :D

 
 
 
 

Leave a Comment

Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.

Trackback responses to this post

Theme Created by: Pedro • Powered by: Wordpress • Hosted by: Boy and Kris

© Copyright 2008