September 3rd, 2008 | Posted in Pedro Is Emo, Pedro's Life Story

Welcome to WordPress. This is your first post. Edit or delete it, then start blogging! - OK!

Bakit nga ba hello world? Sa aking pagkakaalam, isa itong pagbati sa hinaharap. Isang masigabong pagsalubong. Isang WELKAM!

Kung makapagsasalita lang ang tao kahit sobrang bata pa nito ay siguradong ang hello world ang mge letrang sasambitin ng batang kakalabas pa lamang sa sinapupunan. According to  wikipedia, a “hello world” program is a computer program that prints out “Hello, world!” on a display device. It is used in many introductory tutorials for teaching a programming language. Such a program is typically one of the simplest programs possible in a computer language.—Hmmm, Ito rin marahil ang dahilan kung bakit pati ang unang post sa wordpress ay may titulong “Hello World”

Siya nga pala, ako’y nagbabalik, sabik na sabik, malapot pa sa kumunoy at kay nardong putik. Dito sa bago kong tahanan ay marami ring bagong masisilayan. Meron ang photo page, na nagpapatunay na tao  po si Pedro at hindi programmed robot blogger, meron ding video page at ang contact page na para naman sa mga may planong magtapat sa akin ng lihim na pagtingin. Lahat ng posibleng hahanapin n’yo ay siguradong nandito. Meron ditong aksyon, komedi, reyted ar, thriller at documentary. Meron ding concert, teleserye, music videos, anime, sex scandals, foreign films, subtitles, boxed sets, at kahit ano pa ay siguradong marami pa ‘ko d’yan.

Bumalik na nga ako sa mundong minahal ko. Ang mundo ng showbiz pagbloblog. Pero bakit nga ba ako umalis? Una ay dahil napagod ako. Pangalawa ay dahil medyo nagsawa ako. At at ang pangatlo ay pipiliin ko na itago na lang sa aking sarili. Bakit? Sapagkat may mga pagkakataon na ang pangyayari sa nakaraan ay mas mabuting kinalilimutan na lang at hindi na pinag-uusapan, ‘yan ang hinding hindi ko makakalimutan na minsang sinabi ng aking lolo. Magaling sa mga ganyang kasabihan yung matandang ‘yon.

Sa sobrang bilib ko sa husay ng lolo ko ay minsan ko na din naisip na ang lolo ni joey de leon at ang lolo ko ay iisa. Naalala ko tuloy nung isang araw na nag-uusap kami ni lolo, tinanong n’ya ako kung alam ko daw ba na ang tanging salita sa english dictionary na nagsisimula sa “su” at binibigkas bilang “sh” ay ang sugar. Hehe, ngumiti na lang ako  at sa malumanay na tinig ay sinambit ko ang salitang…. sure?—Ayun at hindi na nakasagot si lolo, barado eh. Nagmamarunong kasi! (oo tama ka, kumalat nga itong kwento na ‘to sa text)

Gaya ng sinabi ko sa huling lathala ko sa nauna kong blog, lubos akong nagpapasalamat sa mga makabagbag damdaming comments n’yo sa farewell blog post ko. Ang totoo ay humigit kumulang isang tabong luha din ang nalipon ko magmula ng isa isa kong nabasa ang mga kumento n’yo. Hindi pa kasama dun ang tulo ng malapot at maberde na manilaw nilaw na sipon at tagaktak ng mas maasim pa sa silver swan na pawis na kasalamuha ng aking mga luha dulot ng aking paghagulgol. Sa lahat ng mambabasa ko, humihingi ako ng paumanhin sapagkat iniwan ko kayo sa ere.

Mapait, masakit at mahirap ang lumayo ngunit ginawa ko ‘yon para makapag-isip at makapag pahinga. At dahil sa ginawa kong ‘yon ay nalaman kong marami pala ang nagnanasa sa katawan ko nagmamahal sa akin. Sa inyong lahat, tanggapin n’yo ang aking taos susong pusong pasasalamat. Muli akong magsusulat at sana ay samahan niyo uli ako sa bagong kabanata ng aking paglalakbay sa mundo ng blogosperyo. Hawak kamay, kapit bisig, dikit braso, pantay siko, kalawit bagang, labas pwet, magkayakap, at lips to lips nating tahakin ang bagong daan. Daan tungo sa katotohanan. Daan tungong kasiyahan at kaligayahan. Daan para sa ikatatahimik ng lahat. Daan papuntang kapayapaan. Isang daan. Dalawang daan. Sangandaan. Padaan! Dead end, walang daan. Acheche!

P.S. (Pahabol Salahat)

Mabuhay tayong lahat at sana ay wag kayong manawa sa mga walang kakwentkwentang blina-blog ko. Sa lahat ng magbabasa dito, \m/ rakENroll….

P.P.S. (Pahabol PSalahat)

Salamat kay Tisay sa mga header. At sa lahat ng mga tumulong, salamat sa inyo. Kilala n’yo na kung sino kayo. Asteeeegs!

RSS feed | Trackback URI

31 Comments »

2008-09-03 12:30:00

Hi, this is a comment.
To delete a comment, just log in and view the post's comments. There you will have the option to edit or delete them.

Hello, i know that this is a comment. I chose not to delete it and I just replied in it instead. Your englishing is quite good, can you teaching me how? Hope to see you around Mr. Wordpress. I holler with you later, ayt??!

 
M
2008-09-03 16:07:48

Hello blog. This is the second comment. You die if you delete this.

Hello. WB. Nice site. Exlinx?

Nakapukaw sa aking isipan ang salitang SCANDAL.

Aabangan ko yon.

ge ge abangan mo. tatapatan ko ang mga kagilagilalas mong mga stunt sa hachipatuchi. itataob ko ang photopahula sa pamamagitan ng bidyopahula, hahaha!

 
V
2008-09-03 16:08:48

so this is it. hindi ko pa binabasa. mamaya. pramis. gusto ko lang magcomment muna. sa wakas nabuksan na.

pft.
walang kwenta

sa wakas talaga at nabuksan na. i mess this feeling. ang makapagsulat tapos alam mong may naghihintay na 6 na mambabasa. hahaha. right right, that’s very me, WALANG KWENTA! :D

 
2008-09-03 16:14:57

Ito yata yung inaasikaso mo nung naghiatus ka eh. ayikieee.
Congrats naman sa WK. :)

hindi ito. hactually eh may mga bagay bagay lang din talaga akong inasikaso gaya ng pagpapalibing sa pet kong camel. salamat sa’yo noime, ingatan mo na nekstaym cellphone mo, ayikieeee! hahaha.

2008-09-05 11:57:47

aynako. nakakainis nga eh. may bago na akong cp kaso, wala pang isang araw sa akin confiscated na agad. hanggang ngayon akey mama pa ren. tsktsk.

hahahaha. buti mama ko hindi ganyan. pag nakuha mo na textmate uli tayo, hehehe.

 
 
2008-09-03 16:20:01

testing

testes

ting

ting

testes

testing

 
2008-09-03 16:32:37

lekat! kaya pala ipinagpipilitan sa amin noong inaaaral namin ang Turbo C ang Hello World na yan!

anyways, goodlucks at sa wakas, natuloy na rin ang highly anticipated na pagbabalik.

konti na lang matataob mo na ang eheads. :D

lekat? di ko alam yun ah. ngayon ko lang nabasa yan. salamat pero simpleng pagbabalik lang ito, hindi highy pero tama ka, anticipated, hahaha.

 
2008-09-03 16:38:03

aun eh..eto na pala un.
sa wakas naman after ilang false alarm
nabuksan na din siya.hehe!

welcome back!
un lng,hehe.
at congrats pala dito sa dot com mo.

oo eto lang yun, hahaha. oo nga, sobrang nauna lang yung press release kasi eksayted ng masyado. salamat!

 
2008-09-03 16:42:35

bukas na ko magbabasa at magpapalit ng link mo sa blogroll ko.

welkam back pedro :) asahan mo ang mahahabang comment ko sa mga susulatin mo hahaha :)

salamat popoy, cge, aasahan ko yang mga mala-nobelang komento mo. welkam back din sakin. hahaha.

 
2008-09-03 16:55:37

this is the eighth comment.

you will not die when you delete this.

but i know you won’t because you LOOOOVVVEEEE MEEE.

congrats pedro. :P

sige na nga, eto na. I LOVE YOU mnel! ahahahaha. salamat doc, hanggang sa muli. congrats din pala sa katatapos na exam. :P

 
2008-09-03 17:11:25

wala akong pakealam kung pang ilan na akog nagkomento. Basta gusto ko lang sabihin na ikaw ang nangunguna sa listahan ng mga taong naalala ko noong naconfine ako, Ewan ko kung baket ikaw siguro dahil pareho tayong emo. At alam kong tayo tayo lang din mga emo ang nagkakaintindihan sa isa’t isa.

nagagalak ako sa bagong simula ng iyong blogging karir. Cheers para sa mas mahaba pang pagbablog at sa panghabang buhay na pagkakaibigan.

ang iyong kumare,
FerBerta

natats naman ako at naiyak sa komento mo. ikinagagalak kong isa pala ako sa mga naisip mo nuong mga panahong akala mo ay kukunin ka na ni lord. hahaha, pero seryoso, sang ayon ako, tayo tayong mga emo lang talaga ang magkakaintindihan.

ako man ay nagagalak din sa aking sariwang pagsuong sa mundo blogosperyo. salamat sa’yo at sa inyo. cheers!

your bitch,
PedrongGwapo

 
2008-09-03 18:01:38

Nabasa ko pa lang ang title, naisip ko na yung CS11 prof namin. Aba’y naturingang computer science student ako, hello world lang natutunan ko sa kanya, well mostly hello world lang with the use of JOptionPaneMessageDialog pa. Tama ba? Ewan.

“ako’y nagbabalik, sabik na sabik, malapot pa sa kumunoy at kay nardong putik” Ang pagbabalik by Sandwich! Paborito ko yung kanta nilang yun sa marks the spot. wala lang.

congrats sa datkom!

wow nerd! hahaha. galing galing mo nga eh, gusto ko yung dati mong layout. at gustong gusto ko yang kanta ng sandwich na yan, napanuod ko ng live pero intro lang tapos dvdX talaga yung kanta tapos kasama nila si gloc 9, ang galing, hehe, wala lang din, share ko lang, hahaha.

 
2008-09-03 18:13:08

naks… para kang IT developer ah… Hello World kung bumanat.. hahahahaha

So ayan.. sosyal ka na at .com na .com na tong blog mo. asteeeg ka… pa-pizza naman dyan.. :D

WELCOME BACK!!!

nasa field naman talaga ako ng IT, di nga lang developer, hehehe. oo datkomista na ako pero di naman ibig sabihin nun eh susyal, poor lang po me, hahaha. pizza ba kamo? sos, sige pakita ka, bubusugin kita ng pizza. SALAMAT!!!

 
2008-09-03 18:15:51

ay panget naman ng avatar na natapat sakin.. >>>>>

ok lang yun. maganda ka naman sa tunay na buhay, kesa naman maganda avatar mo tapos muka ka namang ewan, hahaha.

 
mia
2008-09-03 19:56:07

syempre tinamad ako magbasa.

next time na lang.

tae ka, nasan ang datkom ko. shetness ka.

bigyan mo ako

sus ka, eh kahit naman minsan eh wala ka talagang binasa ng buo na post ko. hahaha. datkom ba? hmmm, sabi ko sa’yo kiss nga kapalit ayaw mo naman. hahaha.

 
2008-09-03 21:12:54

Diba copyright infringement or something yung header mo? LOL

Anyway. Hindi ko alam kung bakit pero nasusuka ako kapag nag-iingles ka. Hindi sa panget kang mag-ingles, pero mas trip talaga kita kapag tagalog. Astiging pinoy blogger. I mean, astinging pinoy blogger na tagalog. Ganon. Hahaha.

Pero in fairness, nag-eeffort siyang mag-english! :D Pagbutihan. Hahaha.

Tsaka yung farewell comment ko, kaplastikan lang yun. Ayoko naman kasing maging apathetic with those na nagcomment sa post mong yun. Lahat kasi sila, parang NAWALAN dun sa pagkawala mo.

Joke!

:D Nice to be back, bro. Keep this up - it might be successful. Who knows! :D

kinabahan ako sa sinabi mo. pero naisip ko bakit yung spoof unlimited ganyan din ginagawa tapos pinagkakakitaan pa nila eh hindi naman nadedemanda. diba?

buti ka nga sa ingles ko lang nasusuka eh nanay ko pati sa muka ko. ikaw naman eh hindi mo bagay magtagalog, parang my twang. mag english ka na lang. “higit pa sa hayop at malansang isda” hahaha.

sa totoo lang, hindi ko ineexpect na may mga malulungkot ng ganun, naguilty tuloy ako. sila ang nagsilbing lakas ko upang magbalik sa pagbloblog, wahahaha, showbiz!

salamat bro, hehe, sosyalers na me, bro, hahaha.

 
mr_d
2008-09-03 21:38:59

eto ang Tamang Daan Pedro… hehehehe
tama na ang pagiinarte.
mamatay na lang sa inggit ang walang dotcom. kahit walangkwentang.com eto eh obyus naman na sa iba mahalaga ka pa rin. echus! hahahahaha.
makinig sa payo ng matatanda. yun lang. bow.

ps. wala na naman cohesion na comment. lagi naman eh.

wow nagcomment nanaman sakin si mr.d! sa pagkaka-alala ko eh pangatlong beses na ito. una ay sa PLLP entry ko, pangalawa ay sa nakalimutan ko na at pangatlo ay ito na. yaan mo tatang at magmula ngayon ay makikinig na ako sa mga payo mo. salamat mr.d!

 
mr_d
2008-09-03 21:40:32

ang pogi ng avatar ko.

errrr.

mr_d
2008-09-03 21:40:55

ay pwede nga palang magreply.

oo naman, pwedeng pwede!

mr_d
2008-09-03 21:41:22

langya baka sabihin na naman ng akismet spam ako hahahhaha. sige babush

at ito ang pang anim na comment mo. iba talagang maaliw ang mga matatanda, hahaha!

 
 
2008-09-03 23:35:44

RRAAWWRRR!

rraawwrrr! din! hehe. flooder si mr.d hahaha!

 
 
2008-09-03 22:20:49

Kung ganun tama pala ako na may bagong pasabog ka!
hehe. Nice na ulit ang buhay mo?
Kaya pala may pa drama colsing remarks ka sa last blog mo.
Infairness, astigin din toh.! parang sine.!hehe

pasabog? sus, hindi ako ang umutot. baka ikaw! nice na ulit? bakit? eh lagi namang nice buhay ko ah, very nice pa nga eh, hehe! kung astigin ‘to, pwes, mas astig ang mga nagbabasa dito. rakENrol! \m/

 
2008-09-03 23:35:06

hahah! naisip ko din yung sinabi ni kevin, bka ma-demanda ka sa header mo. pero dahil ako ang gumawa, baka ako mademanda din. pero naisip ko, buti na lang malaki boobs ko… baka maka-iwas ako sa korte. ikaw anong gagawin mo pagna-demanda ka? hahahah!

maligayang pagbalik sa blogosphere.
hihintayin ko rin yung mga sex scandals na ipo-post mo.

apir sayo.

Connie.

malaki ang **** ko, hahahaha. salamat connie! yaan mo at mamadaliin ko na ‘yung taping ng sex scandals.

P.S.
salamat uli sa mga header na WK. yurak!

 
2008-09-04 10:54:46

oi pedro bakit default theme to? sus ka. anong nangyari?

default ba? hehe, inaayos ko pa kasi, may mga bugs pa siya sa IE, pasensya na sa abala, hehehe.

 
2008-09-04 16:29:46

Dear Pedro,

potah! ang ganda ng themes… parang wholesome ang image mo! kumag ka!!! congrats sa bago mong bahay! yung akin di pa rin tapos hahaha!!! san ka kumuha ng themes mo?

ang ayus ayus naman ng blog mo….. whaaaaaaaa!!! congrats! pa burger ka naman…

muah, hugss.. kiss!

Love,
badoy

walang yabang kong ipagmamalaki na ako ang gumawa ng theme na ito. hahaha, potaness, walang yabang ba yun? eh nag-angas na! pero hactually mang badoy, may bugs pa ito sa IE. sabog siya pag clinick ang comment. hindi ko pa nadedebug, teh shit! salamat coco crunch ko. wag ka sanang magbabago and just always pray at night! muahhugyousofuckingtight!

 
rok
2008-09-04 21:39:19

hanep naman sa bagong bahay! astigen. susyalers kana pedro! datkom datkom pa ngayon! haha. glad ur back. hihi :p

asteg ng header, kala ko naduling lang ako. WK pala yun. ganda tsong. lol

hindi naman lahat ng datkomista eh susyalers. konti lang kaming mga susyal talaga hahahaha, biro lang. salamat! yung header eh si miss tisay ang gumawa niyan. bisitahin n’yo s’ya sa http://thought-pollution.blogspot.com hehehe. salamat uli rok, isa ka sa mga consistent reader ko, hehe. mabuhay ka!

 
2008-09-05 16:46:52

tae..
nainosente ako sa theme mo.
malupet.
at ang haba ng unang post mo.

tagal mong nawala.
hehe
asensado ka pa.
may .com ka na!
Welkam back at hello world saiyo pedro.
Ika nga ni wordpress.

mahaba ba yung post? ikaw ba naman ang hindi magblog ng halos isang buwan eh ewan ko na lang, hahaha. may datkom nga, walang kwentang datkom naman, ahahaha, salamat enday! nga pala, nameet ko na in person yang si mr. wordpress, hehe!

 
2008-09-06 11:29:19

sa wakas.nakasali rin ako sa mga nagkokomento. pangmayaman na ikaw pedring. datkom na. Congrats! dahil sa magaling ka naman tlaga, tama lang na dagsain ka uli ng mga readers mo..

Hello blog!

aysus! gaya ng mga nasabi ko na din sa itaas, hindi lahat ng nakadatkom eh mayaman, ilan ilan lang talaga kami, wahahahaha! sobrang salamat sa mga nagbabasa. natutuwa nga ako at andyan pa din sila at andyan pa din kayo sa pagbabalik ko. salamat!

Helle din lunes! - blog

 
2008-09-08 09:22:10

wala pa pala akong comment dito? ngyon meron na..galeng!

wala pa bang kasunod tong entry na to pedro? ilabas na ang mga scandals!

meron na. yung naunang comment mo kasi, invisible comment from the invisble manoy of the invisible blog. hehe. yung scandal, malapit na. ineedit na lang. :D

 
Anonymous
2008-09-08 17:14:53

welcome back!

wow salamat anonymous. sayang naman at tanging ip address mo lang ang meron ako. hindi ka man lang nag iwan ng url mo o pangalan man lang. salamat na lang uli. mabuhay ka anonymous!

 
2008-09-09 07:56:13

paano ba maglagay ng pic dito? i mean tuwing magcocoment ako. puta wala akong alam sa wordpress

i-register mo yung e-mail na ginagamit mo sa pagcomment sa gravatar.com tapos mag-upload ka ng pic mo. para everytime na magcocomment ka, yun na ang lalabas na picture.

 

Leave a Comment

Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.

Trackback responses to this post

Theme Created by: Pedro • Powered by: Wordpress • Hosted by: Boy and Kris

© Copyright 2008