(1) Nokia N70 Music Edition
(2) Sony Cybershot Digital Camera
(3) Halagang 15,000 pesos.
Kung nais n’yong magkaroon ng pagkakataon na makamit ang kahit na ano sa tatlong pa-premyo ay magpunta lamang kayo [dito] para malaman ang paraan ng pag sali sa Project Lafftrip Laffapalooza.
Sa dinami dami ng mga mahuhusay na humor blogger sa buong Pilipinas ay hindi man lang ako nahirapang mag-isip kung sinu-sino ang aking mga iboboto. Nagblog hop ako at isa isa kong tinignan ang mga lathala ng mga nominado at ito ang ginamit kong batayan para ako’y makapili. Maraming nakakatawa ngunit mangilan ngilan lang ang matatalino. Matapos ang ilang buwan ng pagpili ay nakapagpasya na din ako sa wakas. At ang mga napili ko ay ang mga sumusunod:
Una sa puso ko si:
Xienahgirl – A copious amount of wit, plus solid humor and a smack of sarcasm. Hmm, xienah na xienah di ba? Astig ‘to! Pag may nagtatanong sakin kung bakit siya ang paborito kong blogger, brains niya kaagad ang binibida ko. Bilib ako sa utak ng babaeng bakla na ito. Sobrang brilliant n’ya at para sakin, wala ng mas gagaling pa sa kanya. With her xGMonologues and exceptional hirits, kelan ba naman ako di napatawa nitong babaeng baklang to? Sobrang naaaliw ako dito kasi she never runs out of things to say. She made her readers laugh without even trying. ‘Yan ang dahilan kung bakit una sa puso ko ang Dyosa ng Sangkaitlugan!
Pangalawa sa puso ko si:
Mr.D – This guy needs no introduction. Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Mr.D? Edad pitumpu’t anim kung hindi ako nagkakamali. Number one fan ni Mr. Diaz ang nanay ko. Hindi pa ako pinapanganak, nagbloblog at nagpapasaya na siya. Kasabayan nya sila Salvador Tampac, Pablito Sarmiento, Alfonso Tagle, at Rodolfo Quizon. Wala pa sila Tito, Vic at Joey may Mr. D na. ‘Yan ang dahilan kung bakit pangalawa sa puso ko ang Hari ng Sangkatandaan!
Pangatlo sa puso ko si:
FerBert – A humorous, foul-mouthed unidentified creature from another planet. Nagmula sa ibang planeta, tinungo ng tang inang alien na ito ang Pilipinas upang maghasik ng kalibugan kasiyahan. Pinatunayan n’yang nasa utak lang ng tao ang kalaswaan. Matalinong alien ito sapagkat nagagawan n’ya ng paraan na ipaliwanag ang mga bagay bagay ng walang halong kahalayan, kalaswaan at kahit isang bahid ng kabastusan. Respectable blogger. Disenteng manunulat. Kagalang galang na mamahayag. Ikatlo sa puso ko ang Hari ng Sangkalibugan!
Ikaapat sa puso ko si:
Mariano – A man with a comical character, backed up with logic. Ayan si Mariano Huwantso! If I have to define this person, I can say that he’s a “street smart” kind of guy. Ibang mag-isip (malaswa), mag-jojoke pro may sense, minsan corny pero kadalasan nakakatawa. Bihira ang taong ginagamit ang utak sa pag papatawa. Ayaw ko mang sabihin at ayaw ko mang tanggapin pero wala akong magagawa, kelangan kong sabihin sa lahat na humanga ako sa husay ng taong ito. Mariano Huwantso, dating LOSER (hindi na ngayon), isang romantiko, isang gago, at isang tunay na manunulat! Pang-apat sa puso ko si M, ang Hari ng Sangkagaguhan!
Wala ng pang lima. Hindi na pumasa sa criteria ko yung iba, hahaha. Biro lang. Ang totoo, hindi ako nagbibiro, hindi naman kasi pwedeng i-boto si Badoodles, siya dapat ang number one sa puso ko eh (sipsip) Wahahaha!
…




